5. Detention trouble.

94.2K 1K 69
                                    

                                            5. DETENTION TROUBLE.

NAKAUPO siya sa isang sulok. Naka-stretch ang isang binti niya habang ang isa naka-bend. Nakapamulsa din siya habang nakapikit. Tulog kaya siya?

E, bakit ang gwapo niya? Omg! Matabihan nga! Mehehe.

Galak na galak na lumapit ako at tumabing umupo sa kanya. Kumapit ako sa braso niya at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

Syeeeeeeeeeet. Kinikilig ak—“O-oww!”

Lalo kong hinigpitan ang hawak sa braso niya at diniinan ang ulo ko sa balikat niya.

Gamit kasi ang dalawang daliri, tinutulak niya ang ulo ko palayo!

Patatagan pala, ha? Hindi ako aalis dito! Sa tabi niya lang ako! Hihihi! Kinikil—PAK!

“ARAY, HA!”

 

Damn, pinalo lang naman ako sa noo! Malakas ‘yun, ah! Sakit, shet.

“Para kang linta”, iritadong sabi niya. Hindi na ako nakakapit sa kanya.

“Maganda, e!” Sinimangutan ko siya.

“Psh. Pa’no naman napasok ‘yun?”

 

“Wala. FYI lang.”

“Umusod ka nga! Laki laki ng room na ‘to sa’kin ka nagsisiksik!” sigaw niya sa’kin.

Wala kasing lamang kahit ano ang room na ‘to. Isang malaking room lang talaga siya. Wala man lang upuan, electric fan, or aircon man lang. As in box lang siya. Ito ang tinatawag naming detention. Err.

“Ayoko! Gusto ko sa tabi mo!” Hinila ko ulit siya sa braso tapos todo naman siya kung makapiksi.

“Kung makalandi!” 

Whoa! Landi agad?

“Naks, nagsalita ang playboy!”

 

“Witch!”

 

“Flirt!”

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon