Chapter 17

430K 16.3K 7.4K
                                    

Chapter 17

Warning

Kairon stormed out of the room. Naiwan akong tulala roon. Ang pagkabigla sa aking mga narinig mula sa kanya ay hindi pa rin nawawala. It's slowly sinking in.

Napaupo muli ako sa kama ni Kairon. Ilang saglit pa akong tulala hanggang sa bumalik na ako sa aking ulirat. Damn it! Kai is so mad! Ano kayang gagawin niya?

Mabilis kong isinuot ang aking jacket tapos ay lumabas na rin ng kwarto upang sundan si Kairon. Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko sa maaari niyang gawin.

Panay ang lingon ko sa bawat palapag ng Flamma Building pero wala akong Kairon na nakita. Pumunta ako sa kitchen and dining area, pero wala rin siya roon. Where could he be?

Paglabas ng Flamma building ay nagdesisyon na lang ako maglakad patungo sa campus dahil wala akong makitang cart na maaari kong sakyan.

"All students should be in the auditorium now. I repeat, all students should be in the auditorium now."

Announcement iyon sa buong school. Ang mga naglalakihang speakers sa paligid ay paulit-ulit na inanunsyo na dapat ang lahat ng mga estudyante ay naroon ngayon sa auditorium.

Biglaan naman ata ang announcement? Ano naman kaya iyon?

Tumakbo na ako sa auditorium. Mamaya ay mapagalitan pa ako kapag hindi ako nakapunta! Si Kairon kaya nasaan na? Nandoon na kaya siya? Narinig kaya niya iyong announcement?

Malapit na ako sa auditorium nang makita kong marami na ang mga pumapasok. Hahakbang na sana ako pero biglang may humawak sa aking braso. Nagulat ako nang makita si Kairon sa aking gilid.

"Kai..." I called. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang wala na iyong benda niya sa ulo. "Nasaan iyong benda mo? Bakit inalis mo?"

Hindi siya nagsalita. Dahan-dahan lang niya akong hinila sa ibang daanan.

"K-Kailangan daw nating pumunta sa auditorium!" agap ko.

"Pupunta tayo," aniya.

Kumunot naman ang aking noo. "P-pero, doon iyong daanan." tunuro ko pa iyong nakitang entrance kanina.

"Sa VIP entrance tayo dadaan." mataman niyang sabi. Kaya hindi na ako umangal pa. Sumunod na lamang ako sa aking Commander.

Pagpasok sa VIP entrance ay nanlaki ang aking mga mata nang makita kong sa stage pala iyon ng auditorium!

What the hell? Sa stage kami dadaan? Bababa kami mula roon? Paano kami makakapunta roon sa mga upuan nang hindi gumagawa ng komusyon?!

Marami na ang mga taong nakaupo. God!

"Kai, paano tayo bababa? Hindi ba agaw eksena kung sa stage tayo manggagaling? Kung bumalik na lang kaya tayo tapos doon na lang sa entrance-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang biglang lumabas si Kairon sa stage na hatak-hatak ako.

Damang-dama ko ang pagwawala ng dibdib bawat tapak sa stage. Yumuko na lamang ako dahil pakiramdam ko ay pinagtitinginan na kami ng lahat ng mga estudeyante ngayon.

I'm hearing a lot of murmurs. Ang gusto ko lang ngayon ay makababa na ng stage at maupo roon sa mga upuan. Hindi ko alam kung bakit ba kami nagpunta ni Kairon dito sa stage! Siya ba ang may announcement? Hindi ko alam!

Kairon stopped exactly at the middle of the stage where the microphone was also placed.

"Kai, ikaw ba 'yung may announcement? Kung ganoon ay uupo na lang ako roon sa mga upuan." bulong ko kay Kairon habang nakayuko pa rin.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon