Chapter 59

308K 11.8K 13.9K
                                    

Chapter 59

Kidnapped

Hirap na hirap akong imulat ang mga mata ko. Para bang nanggaling ako sa isang napakahimbing na tulog.

Unti-unti kong sinibukang dumilat at ang una kong nakita ay walang iba kung hindi dilim din. I am blindfolded. Napagalaw ako ng bahagya sa gulat pero mabilis sinakop ang aking mga kamay ng isa pang kamay. It feels so soft and warm. That familiar touch... Alam ko na agad kung sino. My heart immediately calmed for a bit. Knowing that he's just right beside me makes me feel protected.

Kumalma ako roon pero napupuno pa rin ng kaba at takot ang buong sistema ko.

He caress my hand. Batid ko na ang gusto niyang iparating. He don't want me to talk or make any noises. Itinikom ko ang aking bibig.

Ang mga luha sa mga mata ko ay namumuo na dahil sa lubos na pag-aalala. We are now in a situation which every Flamma Students are afraid of.

Kidnapped or killed?

Muling nagflashback sa akin iyong headline no'ng dyaryo na nakita ko noon sa kwarto ni Kuya Beau bago pa kami pumunta sa Garnet Academy.

Mas lalo lamang akong natakot sa alaala na iyon. Ano ang gagawin nila sa amin? Ano ang gusto nila? Bakit nila ito ginagagwa? For money? Power? Status?

Nanginginig ang mga kamay ko. Mahigpit akong hinawakan ni Kairon. Assuring me that everything is fine because I'm with him. But deep in my heart, I know... He's afraid too. We both are. We both don't know what these motherfuckers are up to.

Pigil na pigil ako sa pag-iyak dahil baka marinig nila. My eyes are fully covered and I cannot see anything at all.

May narinig kaming pagbukas ng bintana sa harapan.

"Bogs at Ayo, tanggalin n'yo nga 'yong piring ng dalawang 'yan. Picturan ko lang ang mga mukha. Sesend ko kay Boss para makita na tamang mga tao ang nakuha natin." iyon ang narinig ko.

Mas lalo akong natakot pero ipinikit ko ng maigi ang aking mga mata at nagpanggap na tulog. Agad din akong binitawan ni Kairon.

Bigla namang may mga pumasok. May naramdaman akong umupo sa tabi ko.

Kairon is on my left side. And now someone is sitting on my right side. Siguro isa ito sa mga kidnapper. Batid kong may tao rin sa tabi ni Kairon.

Naramdaman ko ang pagtanggal ng piring sa aking mga mata.

Biglang may tumawa roon sa harapan. "Putangina. Jackpot talaga tayo mga 'tol! Magpapafiesta si Boss nito. Isang Santiago at isang Gonzalez."

"Ano ba ang gagawin natin sa mga 'to? Pagpapyansahin ba natin o alam n'yo na... Titigukin?" sabi no'ng tao sa tabi ko.

Pinigilan ko ang panginginig hangga't maaari. I'm so scared that I can feel my whole body trembling.

"Sa pagkakaalam ko, nasa high rank ang dalawang 'to kaya gustong-gusto makuha ni Boss. Million, billion... Malaking patong para sa mga ulo nila."

"Hinto muna nga tayo, Par. Kanina pa may gustong lumabas sa puwet ko. Hayop na 'yan!" dinig kong sabi ng katabi ko. Malaki at lalaking lalaki ang boses niya.

"Puta. Dalian mo!" sabi no'ng tao sa harapan tapos ay may narinig kami na pagsasara ng bintana doon din sa harap.

"Bogs, bantayan mo mga 'to." anang katabi ko at naramdaman ko ang kanyang pagbaba sa kotse.

"Sus, Ayo! Tulog na tulog, oh. Matutulog nga rin ako. Antok na antok ako." sabi naman no'ng lalaki na sa palagay ko ay nasa tabi ni Kairon. The voice is a bit near my left. "Dalian mo na lang jumerbaks, tanga!"

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon