Last Chapter (Part 2)

349K 13.8K 14.7K
                                    

Thank you so much for making it all the way here. Thank you for your patience. This is the last chapter. May epilogue pa po ito na kasunod.

You can also add these stories to your library:
Chasing After You (Beau's story)
Bad For You (Mac's story)
Zircon Academy (2nd of Gem Academy Series)

Last Chapter Part II

Para ba akong biglang nabingi sa narinig. Ilang saglit pa akong natulala nang tuluyan na akong malapitan ni Jaxith.

"A-anong sabi mo?" I asked Jax. I am trying to build myself up. Maybe I just got it all wrong. "May nangyari ba sa operation?"

Hindi rin alam nina Kuya Beau at Jax ang nangyari. Agad kaming bumalik ng ospital. Naninikip ang puso ko habang tumatakbo papuntang Room 301.

I opened the door and found nothing but a clean room. Sobrang linis. Ni walang bakas na may pasyenteng nanatili roon.

My mind is swirling really bad. Anong nangyari? Nandito pa si Lancer kanina! Kinausap ko pa siya!

My tears are starting to fall down. Mabilis akong inalo ni Jax. Si Kuya naman ay nawala.

"H-hindi pwede 'to, Jax. He's... he's stable already!" sigaw ko.

Patuloy lang ang paghagod ni Jaxith sa likod ko. I can see that he was shocked too. "Let's ask the nurses outside."

Lumabas kami ni Jax. Nahihirapan man ang mga tuhod ko ay pilit akong tumayo at lumakad. I need answers. I need to know what happened to Lancer! Hindi ko ito matatanggap!

My heart is hurting so bad.

"The patient, he fought hard... Sayang at hindi na kinaya. Bumigay din siya." Iyon ang narinig ko roon sa isang babaeng nurse sa labas.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko.

"M-miss, nasaan 'yung pasyente doon?" tanong ko habang nakaturo sa room ni Lancer. My body is trembling in fear.

"I'm sorry po, Ma'am. Wala na po siya."

My whole body suddenly stiffened. There are no words coming out of my mouth.

"Wala?" si Jaxith iyon, hindi makapaniwala.

"Opo, Sir. Wala na po siya. Nilipat po kasi siya ng mga kamaganak niya sa ibang ospital. Nagising na po kasi 'yong Patient."

Tinapik-tapik ko pa ang sarili para matiyak kung gising ba talaga ako at tama ang mga naririnig.

"D-do you mean... He's alive?" I asked. Tears pooled my eyes.

"Yes po. He gained back his consciousness kaya po his relatives decided to take him to a different hospital." saad no'ng nurse.

Tila ba agad na nagliwanag ang isang madilim na parte ng aking puso.

"Saan namin siya pwedeng puntahan?" Jax asked.

Buti na lang at alam din nila kung saan inilipat si Lancer.

He is alive! I am relieved. My heart was relieved.

Napagdesisyunan kong puntahan na rin agad si Lancer. He's awake and I badly want to see him. Sinamahan naman ako ni Jax. Naiwan naman si Kuya Beau roon sa ospital.

"Lancer Miguel po." sabi ko roon sa front desk ng ospital kung saan inilipat si Lance.

The nurse immediately checked the records. Mabilis din siyang umiling. "Wala pong Lancer Miguel na naka-admit dito, Ma'am."

Mabilis akong lumingon kay Jaxith. "Tama ba itong ospital na pinuntahan natin, Jax?" I asked him.

Tinignan niya ulit iyong note na binigay sa amin no'ng nurse kanina. "Tama naman."

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon