Chapter 14

447K 16.3K 7.3K
                                    

Chapter 14

List

My heart pounded violently. Halos nanuyo ang aking lalamunan.

"P-Pero sabi kasi ni Stephanie, sinisira ko raw kayong dalawa." I honestly said.

Kairon murmured some curses. I stiffened a bit when he sat beside me. Hindi ako gumalaw sa aking pwesto.

"We're just friends and nothing more." ani Kairon. "I won't lie to you."

Tumango ako sa kanya. Tila nahipnotismo ng kung ano.

"Kain na tayo?" aya niya at mabilis inilabas ang mga binili niyang pagkain.

"Ang dami mo naman atang binili. Dalawa lang naman tayong kakain." kumento ko nang makita ang mga pagkaing inilatag niya sa lamesa.

Kairon just shrugged and went to get the other paperbags. Akala ko ay ihahain niya rin ang mga iyon pero nagulat ako nang bigla niya itong inaabot sa akin.

"A-ano 'to?" tanong ko pagkaabot ng paperbags.

"Something you can wear." sagot niya.

Agad na kumunot ang noo ko at mabilis na binuksan iyong isang paperbag at nakitang isang dress ang laman no'n. Tinignan ko pa ulit ang isa at dress na iba naman ang disenyo ang bumungad.

"Ba-bakit mo ako binibigyan ng ganito?" takang tanong ko.

"Wala lang. Basta mas maganda 'yan sa suot mo ngayon." aniya at nagsimula ng kumain.

Nanatili ako sa aking pwesto at hindi makagalaw doon.

Ginagawa niya ba ito dahil nagselos siya nang binigyan ako ni Kuya Beau ng damit?

Tinakpan ko ang aking mukha gamit iyong paperbags upang itago ang malaking ngiti. Why am I suddenly so happy? Damn it!

Napalunok ako at saka umiling-iling. I should stop assuming! Argh!

What are you doing to me, Kairon Gonzalez?!

-

Hindi ko alam kung anong nangyari no'ng weekends pero ibang-iba ang pakikitungo sa akin ng mga ka-blockmates ko at iba pang nadadaanan ko lang sa hallway.

Hindi naman ako laging pinapansin, pero ngayon ay mas lalong wala. Pakiramdam ko ay ilag sila sa akin na parang may kung anong sakit ako.

"Lia, ano bang meron?" I asked Lia when I had the chance. Wala pa naman kasi iyong professor namin.

Bumaling si Lia sa akin at sumenyas na lumapit pa ako lalo sa kanya kaya iyon ang aking ginawa.

"Remember what happened last time?" bulong niya.

Kumunot ang aking noo at pilit na inaalala ang mga nangyari.

"I-Is it because of the self-defense class?" tanong ko kay Lia ngunit pabulong lang din.

Dahan-dahan siyang tumango.

"Bakit? Ano bang ginawa ko? Ako pa nga ang mas malala ang natamo."

"Hindi mo naiintindihan, Paige. Bumangga ka ng Flamma. Iyon 'yun. Everyone here knows that Stephanie Rivera can't make your life into a living hell in just a snap of her fingers. That's how immoral Flammas can be." malungkot na sinabi ni Lia.

Nanikip ng kaunti ang aking dibdib. Why is everyone so afraid of the Flammas? Because of their power? Money? Pare-pareho lang naman kaming mga estudyante rito.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon