Chapter 13

442K 17.5K 11.2K
                                    

Chapter 13

Worried

Pagkalas sa yakap ay mabilis na umalis si Kairon.

My heart is racing so fast. Ni hindi na ako nakapagsalita. Ni hindi ko alam ang dapat sabihin.

Ilang saglit lang ay dumating na rin si Kuya beau.

"Lil sis, why are you crying? May masakit ba sa'yo? Should I call the doctor?" sunod-sunod na tanong ni Kuya.

Mabilis akong umiling at saka pinalis ang luha sa aking mga mata.

"O-okay lang ako, Kuya. Pagod lang." sabi ko at saka humiga na.

Nawala ang gutom ko dahil kay Kairon. What does he mean by that? Totoo ba ang mga sinasabi niya? Or maybe he just wants to play me?

-

Maaga akong nagising kinabukasan. Madaling araw pa lang ay nagising na ako. Hindi lang siguro ako komportable rito sa ospital.

Paglingon ay nakita ko naman si Kuya Beau na tulog sa malaking couch. Kaming dalawa na lang ang narito. Umuwi na rin si Kuya Mac kagabi.

I took a deep breath. Mamaya ay uuwi na ako. Saan ako uuwi? Kay Kairon?

Ilang saglit pa ay bumangon na rin si Kuya.

"You're up early. May gusto ka ba?" he asked.

"Gusto ko ng fresh milk, Kuya." sabi ko.

I suddenly want a fresh milk.

Noon, tuwing nagigising ako ng madaling araw ay kukuha lang ako ng fresh milk sa mini ref malapit sa kama ko, tapos ilang saglit lang ay makakatulog na rin ako. Pag kasi hindi, I always tend to overthink about life until it drowns me. I'm that weird sometimes.

"Okay, I'll get you one." ani Kuya at lumabas na.

Sumandal ako sa unan na nasa headboard ng hospital bed. I'm about to get my phone to watch some cute videos until I heard the door opened. Paglingon ko ay nakita ko ang professor naming si Mr. Golfo, na siyang prof namin sa self-defense class.

"S-Sir," bati ko.

"Magandang umaga, Ms. Manuel." bati niya pabalik at saka mabilis na lumapit sa akin. "Kamusta ka?"

"Okay lang naman po ako. Uuwi na rin po ako mamaya."

Tumango-tango si Mr. Golfo sa akin.

"Ako rin uuwi na." aniya.

"A-Ano po?" takang tanong ko.

Kumunot ang aking noo at lubos na nagtaka. Kakarating pa lang niya tapos ay uuwi na siya?

"Uuwi na ako sa bahay. Natanggal na ako sa pagtuturo sa paaralang ito, Ms. Manuel." saad niya.

Umawang ang labi ko sa pagkagulat. Bakit naman siya natanggal sa pagtuturo? I don't get it.

Ilang saglit lang ay nakita ko ang luhang nagbabadya kay Mr. Golfo. Halos nagpanic ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon