Chapter 24

371K 16.3K 5.1K
                                    

Chapter 24

Ambush

Patuloy pang nakipag-usap si Kuya, ako naman ay nanginginig na sa takot. Ano ba talaga ang nangyayari? Why are we being ambushed? I thought we're safe!

Paano kung bigla na lang may umakyat dito at pausukan kami ng kung ano man iyon? Oh my God!

Nang matapos ang tawag ay agad akong humarap kay Kuya Beau. "Kuya, I'm scared." sabi ko.

Mahigpit namang hinawakan ni Kuya ang isang kamay ko. "I'm here to protect you no matter what, lil sis. Huwag kang mag-alala. May darating nang rescuers." kalmado pa si Kuya. "Now, give me your handerchief."

Mabilis ko namang sinunod si Kuya. Isinuot niya sa mukha ko iyong panyo, nagsilbi itong mask para matakpan ang ilong at bunganga ko.

"Proteksyon sa usok." ani Kuya habang naglalagay din ng panyo. "Hindi tayo bababa. Mag-aantay tayo ng rescuer dito."

Tumango-tango ako kay Kuya. Naninikip ang dibdib ko. Paano ang mga ibang estudyante? Shit!

"K-kuya paano sila Lia at ang iba?" puno ang pag-aalala ko sa kaibigan at iba pa.

"We can't do anything now. We just have to be safe and wait for the rescuers." ani Kuya, mahigpit ang hawak niya sa akin. "One thing is for sure. Whoever is behind this, mga Flamma ang habol nila."

Mas natakot ako ngayon para sa amin ni Kuya.

"P-pero paano nila nalaman na pupunta tayo rito?"

"Hindi ko alam." ani Kuya. "Let's sit and shield our heads. Hindi natin alam kung ano pang mga hinanda nila. Fuck it!"

Kuya Beau is so furious now. Ang kaba at takot sa dibdib ko ay mas bumibigat.

Kahit nasa taas kami ng tower ay unti-unti na naming nakikita ang usok.

"Kuya, matagal pa ba ang rescuers? Kumakapal na ang usok! Umaakyat na!" ngayon ay nagpapanic na ako.

Tumunog ang phone ni Kuya

"Kuya!" Ngayon ay nalalanghap ko na ang usok. Halos nahihirapan na akong huminga! Tinakpan ko na lang ang ilong ko gamit ang aking mga kamay.

"Fine! Just detect it and rescue us!" sigaw ni Kuya sa kausap.

Kitang-kita ko ang frustration sa mga mata niya. "Fuck!" utas niya matapos ang tawag. Ilang minuto pa siyang yumuko, hindi na naaalintana ang usok na ngayo'y nasa taas na rin. Para bang nag-iisip ng malalim si Kuya Beau kaya hinayaan ko na lang siya at naghanap ako ng mas makapal na bagay na maipangtatakip sa ilong namin ni Kuya.

Bago ko pa makuha ang jacket ko sa bag ay hinatak ako ni Kuya Beau palapit sa kanya.

"Kuya?" tanong ko pero hindi siya nagsasalita.

Nagulat ako nang hinatak niya ang suot niyang Flamma necklace tapos ay mabilis na ikinabit sa akin. Tinanggal niya rin ang Aries necklace ko. Hindi ko alam kung bakit sinuot niya iyon! Ano bang ginagawa ni Kuya?

"Ano bang ginagawa mo, Kuya?" takang tanong ko. No'ng first day pa lang ay sinuot ko na ito dahil kailangan daw sabi ng head mistress. Kahit kailan naman ay hindi iyon pinakialamanan ni Kuya. Ngayon pa talagang nasa panganib kami?

"Listen to me, Paige." Kuya said and then he held my face. "May darating na rescue. Sasama ka sa kanila. Naiintindihan mo ba ako?"

Mabilis naman akong tumango. "Oo, Kuya. Syempre sasama ako. Sasama tayo."

Si Kuya Beau naman ang tumango sa akin ngayon. Ilang saglit pa ay nakarinig kami ng tunog ng isang helicopter. I was afraid at first but when I saw men coming down wearing black suits with the word 'Rescuer' on the front, I calmed.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon