Chapter 27

395K 16.1K 8.4K
                                    

Chapter 27

Council

Wala na akong nagawa nang makapasok na siya sa kanyang comfort room.

A tear escaped my eye. Agad ko naman iyong pinalis at saka hinila na ang aking maleta.

Halos kaharap lang ng kwarto ni Kairon ang bago kong kwarto. It feels surreal being in another room right now. Pakiramdam ko, ma-hohome sick ako sa kwartong ito.

Malaki at maganda ang bago kong kwarto. But it doesn't even made me feel good. I still prefer my small and comfortable room in Kai's.

Binitawan ko ang maleta at tumungo sa aking kama. The bed is similar to Kairon's. It's big and fluffy.

The whole room was painted white with gray trims. It has a touch of modern and chic style. The room is also fairly lightly furnished. There's a TV, a desk at the corner which I guess will be my study table... There's a wooden cabinet and shelves as well.

It's spacious enough. Tamang tama lang para malagyan ko pa ng aking mga gamit.

Nahiga na ako sa kama. Bukas ko na lang siguro aayusin ang mga gamit ko. I'm just really tired right now. Pakiramdam ko ay nawalan ng bitamina ang aking puso.

-

Nagising ako dahil sa patuloy na pagtunog ng phone ko. Sino ba ang tumatawag?

"Hello." sagot ko habang nakapikit pa rin. Ni hindi ko na tinignan kung sino iyong tumatawag.

"Paige! Where are you?!" sigaw ni Lia ang narinig ko sa kabilang linya.

"Kakagising ko lang." sabi ko, inaantok pa rin. "Bakit ka sumisigaw dyan? Ang aga aga pa."

"Anong maaga?! May student council meeting tayo, 'di ba? Nalimutan mo?"

Nang marining ko ang sinabi ni Lia ay agad akong napamulat at bumangon. Shit!

"Meron ba?!" pagpapanic ko.

"Oo! At ilaw na lang ang inaantay! Dalian mo at baka umusok ang ilong ng Commander!" ani Lia. "Gagawa na lang ako ng excuse."

Nagpaalam na ako kay Lia at agad nang kumilos. Oh God! Hindi manlang ako nakapag-alarm!

I was just too pre-occupied last night. Natulog na lang ako dahil sa bigat ng damdamin.

Mabilis akong nagshower at nagbihis. Nang makapag-ayos na ay umalis na rin ako agad.

First time kong umattend ng SC Meeting, pero ito ako, tumatakbo! Damn it!

"Sorry, I'm late." hingal kong sabi pagkadating sa conference room doon sa loob ng Student Council Office.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon.

Lia was right. Everyone is already here!

"Hindi kasi ako na-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang magsalita si Kairon.

"I don't like excuses." he said in a baritone. Halos mapalunok ako. "We should be an example here. A role model. And being tardy is just unacceptable, Ms. Vice President."

Natahimik ako at hindi alam ang sasabihin.

"I knew it. She's not use to this kind of work." ani Stephanie. "Pwede ka namang tumanggi kung hindi mo kayang gampanan ang role mo. You can talk to the head mistress, Paige."

Sinubukan kong pigilin ang inis dahil sa pagsegunda ni Stephanie. Magsasalita na sana ako nang nakarinig ako ng isang dabog sa mesa.

"Can we just start the meeting?" si Lancer iyon.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon