Chapter 46

305K 12.7K 9.6K
                                    

Chapter 46

Assembly

Nagkaroon ng kumpulan nang bumaba kaming tatlo sa kotse. Ang daming mga nakikiusyosong estudyante. Ang iba ay nagtitilian dahil sa pagbabalik ni Kuya Beau, ang iba ay kuryoso sa pagkatao ni Jaxith, marami ang mga nagbubulungan.

"Dumiretso tayo sa office ni Mrs. Montecillo." ani Kuya Beau.

Tumango ako. Si Jaxith naman ay kumakaway sa mga tumitili sa kanya. What the hell?

"Ano ba, Jax? Magseryoso ka nga." bulong ko at sumunod na kay Kuya.

Ang mga mata ng tao sa paligid ay hindi na nawala sa amin. How awkward!

"Mukha ba akong hindi seryoso?" aniya.

Dumating kami sa opisina ng head mistress at agad niya naman kaming sinalubong.

"Maupo kayo." aniya tapos ay umupo rin siya sa kanyang pang matandang swivel chair. "I am very happy and grateful for your decision to stay, Beau and Paige. Ganoon din sa'yo, Jaxith. Ikinagagalak ko na napagdesisyunan mong dito na mag-aral."

Umayos ako ng upo. Ang hirap kaya mapagitnaan ni Kuya Beau at Jaxith! Para akong napipipi, eh.

"I will make sure that the security is 100% tighter than ever. Please do feel safe on your stay in this Academy... Here are your necklaces, by the way."

Like the old tradition, the Flamma Necklace.

"Hindi ko trip 'yung design." sabi ni Jax.

Siniko ko siya at awkward na ngumiti. Si Kuya naman ay napailing na lang. Buti at hindi narinig ni Mrs. Montecillo!

"May general assembly mamaya. Settle your things and then proceed to the auditorium." pahabol pa ni Mrs. Montecillo sa amin.

Pasakay na kami ng cart patungong Flamma Building ngayon. Si Kuya ang nagmaneho tapos kami naman ni Jaxith ay nasa likod.

Wala namang naiba sa Academy sa loob ng dalawang buwan. Ganitong-ganito pa rin gaya no'ng huling araw ko rito.

"Gusto mong lumipat ng kwarto, Paige?" tanong ni Kuya.

Nagpag-alamanan din kasi niya na magkatapat ang mga kwarto namin ni... Basta siya.

"Okay lang, Kuya. Magkatabi naman kami ng kwarto ni Jax." sabi ko. Trying to assure him that everything is alright.

Nakarating na kami sa Flamma Building at grabe ang kaba sa aking dibdib. Parang lalabas 'yong puso ko!

Paano kung magkaharap kami? At paano kung kasama niya nga si Stephanie? Gosh!

The thought of it makes me sick!

"Akyat na muna ako. Jax, patulungan na lang si Paige." ani Kuya Beau at umalis na dala-dala ang maleta niya.

Naiwan naman kami ni Jax sa tapat ng kwarto ko.

"Doon ka sa kabila." sabi ko sa kanya.

"Yeah, tulungan na lang muna kitang ilagay ang mga gamit mo." sabi naman ni Jaxith.

Pagkapasok sa loob ay halo-halo ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung pagkasabik ba iyon o ano.

When we've settled down, Jax and I waited for Kuya so we can go to the auditorium together.

"Kailangan ko ng mini ref sa kwarto." sabi ni Jax habang nasa cart kami.

Natawa ako at mahinang hinampas ang braso niya. "Puro ka talaga pagkain."

Buti na lang at nandito ang makulit na si Jax para maging light ang mood. Masyado akong kabado ngayon. I don't know what may I happen the moment I see him. Kukumbulsyonin ata ako!

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon