Chapter 32

398K 15.2K 12.8K
                                    

If you're going to tweet about this story, please use the hashtag: #GarnetAcademy for me to see your tweets.

Chapter 32

Connection

Tanga ako kung aalis ako na walang salitang ipambabawi. Maaaring nasaktan ako ng kaunti sa sinabi niya, pero hindi ako papayag na ako lang ang masasaktan.

Mabait sa mabait. Salbahe sa salbahe. Ganoon lang 'yon. Respect is earned, not given.

"Really? Pareho lang naman kami ni Kai. I would also care for my friends that way. Uulitin ko, friends." Paulit-ulit kong binigyan ng emphasis ang 'friends' bago ko siya tuluyang tinalikuran.

Kairon already cleared it, doesn't he? Magkaibigan lang sila at 'yun lang 'yon. Hindi ako dapat magpaapekto! Pero nakakainis pa rin!

Bwisit akong umakyat ng hagdanan. Hindi na ata talaga kami tatantanan ni Stephanie. Hangga't may connection sila ni Kai, gagawa at gagawa siya ng paraan. This is getting crazy!

Humiga ako sa aking kama at bahagyang hinilot ang aking sentido. Napabalikwas ako nang tumunog ang aking phone. I immediately checked who texted and saw that it was Kairon.

Kai

Matutulog ka na?

Iyon ang mensaheng ipinadala niya.

Oo.

I texted back. Nilagay ko ang cellphone ko sa airplane mode tapos ay natulog na.

Kinabukasan, tanghali na ako bumangon dahil wala namang pasok. Holiday kasi ngayon. Kahit tago ang school namin, syempre sakop pa rin kami ng mga ganoon. Nag-unat ako bago tuluyang tumayo sa kama.

It's so cold here in my room. Siguro dapat bumili ako ng mas makapal na comforter.

Kinuha ko ang phone ko at inalis na iyon sa airplane mode. Hindi ko naman kadalasang inilalagay ang phone ko sa mode na iyon. It's just that asar lang ako kagabi! I don't know why!

Alam mo ba iyong ganoong pakiramdam? 'Yong naiintindihan mo naman ang sitwasyon, pero naiinis ka pa rin...

Nagulat ako nang sunod-sunod na lumabas ang mga texts ni Kairon sa akin.

Kai

Are you mad?

I'm sorry that I took so long :(

Natagalan ang usapan namin dahil sa Mommy niya. Nakalabas na kasi from the hospital and all.

I can tell you everything that we've talk about.

Please, don't be mad.

I'm sorry. Babawi ako sayo bukas.

Sleep well, beautiful.

Those are his text messages. Huminga ako ng malalim at saka nagtipa.

I'm not mad :)

Bago ko pa mabitawan ang cellphone ko ay nagring na iyon. Kai is calling! Agad ko naman itong sinagot.

"Finally, you're awake." aniya mula sa kabilang linya.

Natawa ako ng kaunti. "Good morning."

"Open your door, please."

Nagulat ako sa sinabi niya. Don't tell me that he's there?!

"B-bakit? Nandyan ka ba?"

"Basta." aniya.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon