Chapter 28

446K 20.3K 16.9K
                                    

Chapter 28

Airsoft

I can feel the heat of Kairon's hand on my arm. I don't know, but my heart is beating extremely fast right now!

Nasa hallway na kami ngayon. Napansin kong walang tao kaya gusto kong kunin ang pagkakataon para makapag-usap kaming dalawa.

"Kai, let's talk." subok ko.

Tumigil siya sa paglalakad at ganoon din ako. Napatingin ako sa kamay niya na agad ding bumitaw sa braso ko.

Kumunot ang kanyang noo. "Aren't we done talking?"

Umawang ang labi ko sa kanyang sinabi.

"G-galit ka pa rin ba?" I asked.

This guy in front of me... I-is he really my Kairon? He is acting so different and it's hurting me.

"Just hear me out, Kai. Let me explain. Just please." I pleaded.

"Say it now then. I'll listen." aniya.

Nabuhayan ako ng loob dahil doon. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ngayon ay gasino na lamang aming pagitan.

"Kai, I'm so-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang may marinig akong sigaw.

"Kairon! Kairon!" Ate Thea shouted. Hingal niya kaming hinarap ni Kai.

"Ano 'yun?" baling ni Kairon kay Ate Thea.

"Si Steph... Her Mom called. I don't know what happened, pero nagwawala siya ngayon!" saad ni Ate Thea. "She needs you! Let's go!"

I glanced at Kairon and I saw that he's worried.

Muli akong tinignan ni Kairon. Nagtama ang aming mga mata, pero hindi ko maramdaman ang koneksyon ng mga ito. Ilang saglit lang ay umalis siya at sumunod kay Ate Thea.

Suddenly, I was left there... all by myself.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng panghihina kaya naupo na lamang ako sa malapit na bench.

Nawala na naman ang tiyansa ko na makausap siya. But I shouldn't be selfish, right? Maybe Stephanie really needs him. And Stephanie is that important to him too... I guess? He wouldn't walk out of me like that if it isn't.

Pinalis ko ang mumuting luha sa aking mga pisngi. Tatayo na sana ako pero biglang tumunog ang aking phone. Agad ko iyong kinuha para makita kung sino ang tumatawag.

Jax
Calling...

Nanlaki ang aking mga mata. It's been a while since he last called me! Mabilis kong pinindot ang phone para sagutin ang tawag niya.

"Jax!" sagot ko.

"Hey," aniya sa isang baritonong boses. "Its been a while."

I smiled. I miss that voice. "Oo nga, eh. Kamusta?"

"I'm fine. Actually, I went to the hospital."

"T-talaga? How's Kuya Beau? Gising na ba siya?" aligaga kong tanong.

"Sleeping Beauty pa rin ang mokong. But don't worry, he's already stable."

Ang bigat sa damdamin ko ay hindi nabawasan. I just want Kuya to wake up. I want to see him and hear his voice.

"Sana kasama ko kayo ni Kuya rito." I said out of the blue. It would be really nice if they are here.

"Hmm, I'm actually thinking about transferring." Jax said huskily.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon