Chapter 9

441K 19.9K 12.1K
                                    

Chapter 9

Yours

Hindi ko alam kung nakauwi ba si Kairon o ano. Umaga na at kailangan ko nang mag-ayos para pumasok.

I was a bit stunned when I opened the door. Kairon is standing near his bed and he is fixing his collar.

So... Nakauwi pala ang mokong.

Pinigilan ko ang aking sarili na umirap. Mabilis kong isinakbit ang tuwalya sa aking balikat at saka dali-daling naglakad patungo sa comfort room. Bago pa makapasok ay natawag na ako ni Kairon.

Damn it!

"I'll wait for you. Sabay na tayong pumasok." aniya.

Kung kahapon ito, malamang ay para akong bulateng binudburan ng asin dahil sa mabulaklak niyang salita. Pero dahil ngayon niya ito sinabi, at dahil sa nangyari kagabi, purong inis lamang ang nararamdaman ko.

"'Di na. Mauna ka na. Sabihan mo na lang ako kung may i-uutos ka." tamad kong sabi.

Naningkit ang kanyang mga mata at saka tumango.

Aba? Hindi manlang namilit? Tse!

Habang naliligo ay naiinis pa rin talaga ako.

-

Pagdating ko sa room namin ay wala pa si Kairon. Nasaan na iyon? Nauna siya, 'di ba?

Wala pa rin si Lia pagdating ko. Kaya naman tahimik lamang ako roon sa aking upuan dahil wala akong kakwentuhan. Wala pa rin naman iyong Prof namin dahil maaga-aga pa.

Iilang tawa ang kumuha ng aking atensyon.

Patago akong tumingin doon sa pwesto kung saan may mga nagtatawanan. At sana hindi ko na lang ginawa dahil muli lamang akong nainis!

Its Stephanie and two of her friends! Thea is not there... So these two girls are probably Terra students? Sina Stephanie lang naman at si Thea ang Flamma sa school na ito. Kasama sana ako kung hindi ako nagpapanggap ngayon...

"Ang sweet naman pala ng Commander, Stephanie." sabi no'ng isang babae.

Stephanie smiled sweetly. "Yah, he is. He is always like that to me naman."

Kinilig iyong mga kaibigan niya. Panay hagikgikan sila.

"Kayo na, 'di ba? Gaano na kayo katagal?" tanong naman no'ng isa pang babae.

"Basta..." ani Stephanie habang namumula pa.

Agad akong nakaramdam ng apoy sa loob ko. Damn it! Why do I have to hear them? Nakakainis!

So, si Stephanie at Kairon na nga?

How stupid of me! Oo nga naman. Sino ba naman kasi ako? Isa lang naman akong Aeris sa paningin ni Kairon. Ang taas taas niya. How can someone like me reach him anyway? Utusan lang naman niya ako.

I hate how the turn of events are so fast. How I just met the Commander and all of a sudden, I was immediately drawn to him. Mabilis pa ito sa isang umaatikabong sasakyan na kasali sa karera. Bullshit, 'di ba?

Hindi naman ako ganito. Ang dami ko nang nakilalang mga lalaki na may itsura rin naman pero hindi ganito ang pakiramdam ko. Kainis.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon