Chapter 18

425K 15.2K 8.1K
                                    

Chapter 18

Confession

Sumunod lang ako kay Kuya Beau hanggang sa makarating kami sa may balcony. Walang tao roon bukod sa aming dalawa.

Pumunta pa ako sa dulong parte ng balkonahe dahil doon dumako si Kuya. Bago pa ako makapagsalita ay yinakap niya na ako.

"I got worried, lil sis. So much." he said. "I'm sorry that I wasn't there for you. Sorry."

"K-kuya, I'm fine..." pagkalma ko kay Kuya sabay hagod sa kanyang likod.

"Nalaman ko ang lahat ng nangyari. Fuck this. Hindi talaga magandang ideya ang iwan ka." ani Kuya. Tila sising-sisi sa lahat.

"Okay naman ako, Kuya. Wala namang nangyaring masama sa ak-"

"Buti na lang at napilitan akong ibigay ang number mo kay Gonzalez. I don't like him but he did save you..." hindi ko na natapos ang sinasabi dahil kay Kuya.

What? Siya ang nagbigay ng number ko kay Kairon? Kaya ba sinabi ni Kai na pinaghirapan niya iyong makuha?!

"I-ikaw ang nagbigay?" gulat na gulat pa rin.

"Yeah. Ang sabi niya ay may nakalimutan siyang ibilin sa'yo. Nagdalawang isip ako no'ng una kaya pinahirapan ko muna." aniya at kumalas na sa aming yakap.

"Anong ginawa mo, Kuya?!"

Hindi ko alam kung maiinis ako kay Kuya o ano!

"Wala naman. Pinabuhat ko lang naman ang lahat ng bagahe ko sa kanya." sabi ni Kuya na kala mo ay wala lang iyong pinagawa niya kay Kairon.

May bagahe rin si Kairon, damn it!

Pero saglit ay napaisip din ako. Wala namang binilin si Kairon sa akin, ah? Dahilan lang ba niya iyon o baka nalimutan niya ulit ang bilin niya? Ewan ko!

"It's a good thing that those bullies already got suspended. Pag naabutan ko sila ay baka masaktan ko pa sila." banta ni Kuya.

"Kuya, stop being violent. Okay naman ako." sabi ko.

Huminga ng malalim si Kuya. "You have to be extra careful, Paige. I told you before, don't trust anyone here in this school. Makinig ka kasi sa Kuya mo."

"Nakakikinig naman ako, Kuya. It just that-"

"It just that you're too naive! Pinakitaan ka lang ng mabuti, akala mo mabait na. Hindi ganoon iyon, Paige. People can always fake it!" inasahan ko na ang biglang pagtaas ng boses ni Kuya.

Kung kanina ay sweet siya at worried, ngayon ay para siyang dragon na handa akong bugahan ng apoy.

"You have to listen to me, alright. Para 'to sa'yo. Ayokong napapahamak ka." ani Kuya.

"I get it, Kuya. Alam ko naman iyon."

"Really? Kaya ba that Gonzalez is all over you? Akala mo hindi ko alam ang ginawa niya roon sa auditorium? Probably, gusto niya lang makuha ang loob mo!"

Kumunot ang noo ko sa inis dahil sa mga sinasabi si Kuya. How dare him judge Kairon like that?

"Hindi ganyan si Kairon, Kuya!" giit ko.

"And how do you know? Look, Paige. Guys like him are good at these games. Ayan nga, oh. Kaunting ganoon lang at nakuha niya na ang loob mo! Pinagtatanggol mo pa!"

"Stop it, Kuya. Walang ginagawang masama si Kairon. Ikaw na nga mismo ang nagsabi... Niligtas niya ako! He risked hiself for me!"

Gusto kong umiyak na. Ayaw kong nag-aaway kami ni Kuya pero naiinis talaga ako.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon