Chapter 30

432K 15.7K 12.1K
                                    

Chapter 30

Secret

"Ha? Bakit mo naman natanong?" sagot ni Lia sa kabilang linya.

"Umm, wala naman! So ano nga?"

I'm really up for this! Sa tingin ko'y bagay naman sila!

"Yup. I'm single."

"Ayun!" pagdidiwang ko. "Wala ka bang type sa mga Flamma?"

Lia laughed. "Duh! Wala, ano. Sabi ko naman sa'yo... Hindi ko gusto ang mga Flamma dati. I actually hated their mahangin attitudes! Dahil sa'yo kaya kahit papano'y nagbago ang papananaw ko sa mga spoiled na 'yun."

I laughed nervously! Hala ka siya! Paano na si Kuya Mac niyan?

"Mababait naman ang mga Flamma boys, ah. Anong sa tingin mo kay Kuya Mac?" diretsong tanong ko.

Kinikilig ako deep inside kasi may nabuo akong love team in just a matter of minutes! Team MacLia!

"Si Mackenzee? Aba'y malay ko sa hangin na 'yon. Ni hindi ko nga siya maramdaman."

See? Hangin vibes talaga si Kuya Mac, eh!

"Grabe ka naman! Oh, sige na. Kita na lang tayo sa meeting." sabi ko at ibinaba na rin ang tawag.

May student council meeting mamaya dahil sa darating na school fair.

Kairon is nowhere to be found. Wala siya buong klase. Baka nandoon na siya sa SCO.

Agad din akong pumunta sa Student Council Office. Ayaw ko na ring ma-late, ano!

Pagpunta ko ay halos nandoon na ang lahat. Maliban kay Kairon,Shawn at Lancer.

"Start na tayo." ani Ate Thea.

"Hindi pa tayo kumpleto." sagot ko naman.

"Sabi ni Kairon, magsimula na raw tayo. Susunod na lang daw siya." si Ate Thea.

Ganoon ba. Nasaan kaya ang mokong na 'yun? At hindi manlang nagtext!

Stephanie even smirked. Like she's so happy that I didn't know!

"Si Lancer naman, masama raw ang pakiramdam kaya hindi makakapunta. Si Shawn, ewan ko lang." sabi naman ni Andy.

"Sus! Kilala naman natin 'yang si Lancer. Minsan lang may gana sa meeting." giit ni Lia.

Si Ate Thea na ang nagsimula sa meeting. Napag-usapan namin ang kanya kanyang suggestions para sa darating na event.

"Mac, are you paying attention? Puro ka phone." sita ni Ate Thea sa kalagitnaan ng pag-aanunsyo sa mga schedules sa school fair.

"Well, I'm just checking things out. Baka kasi magtext si Beau na gising na siya. I have a lot of things to tell him." ani Kuya Mac kaya agad naman akong nabilaukan!

"Anong nangyari sa'yo?" tanong naman ni Lia tapos ay inabutan ako ng tubig.

Kitang-kita ko kung paano natawa si Kuya Mac. How dare you?!!

"Nagmomobile legends ka lang, Kuya Mac, eh!" giit ko.

Natawa naman ang iba. At dahil katabi ko si Lia, rinig na rinig ko ang tawa niya. Oh my gee! May sparks talaga sila ni Kuya Mac! Nako, pupush ko na talaga ito nang hindi ako ang pag-initan nila.

"At saka pag nagising na si Kuya Beau, ako naman ang unang makakaalam. I will let you know, Kuya Mac." I said as I greeted my teeth.

Bully pala itong si Kuya Mackenzee!

Nagpatuloy ang meeting. Matapos ni Ate Thea ay si Stephanie naman ang nagsalita.

"Lia, paki abot nga itong mga papel kay Kuya Mac." sabi ko no'ng nag-aayos na kami ng paper works.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon