Chapter 19

423K 15K 8.6K
                                    

Chapter 19

Butterflies

Bigo akong bumaba sa dinner buffet. Agad akong sinalubong ni Kuya Beau. "What took you so long?" he asked.

"Natagalan lang akong magbihis," sabi ko kay Kuya.

"Mag-usap muna tayo saglit." ani Kuya at hinila ako sa kung saang sulok na walang tao.

"Bakit, Kuya?"

Kuya Beau took a deep breath. "Dad called. He wants me to be with him in the shareholders' meeting. I don't know why there's a sudden urgency. Mawawala ako ng ilang araw, Paige."

"P-pwede ba 'yun? Alam na ba ng head mistress? Paano ako?" sunod-sunod ang mga tanong ko kay Kuya.

"Yeah, Mrs Montecillo knows it already. She gave me a permit to go out for days..." Kuya thrailed off. "And as for you, my little sis, ibibilin kita kay Mac."

"Busy lagi si Kuya Mac!" agap ko.

"So... kanino mo gusto na ibilin ka?" tumaas ang kilay ni Kuya.

Napalunok ako roon. Tignan mo itong Kuya ko! Napakamalisyoso ng tingin!

"W-wala! Sinasabi ko lang na busy si Kuya Mac!" agap ko.

Sobra kung mag-alala sa akin si Kuya. Dapat nga ay ang sarili niya ang kanyang alalahanin. Protektado kami rito sa eskwelahan. At siya ang lubos na delikado dahil lalabas siya.

"Kuya, ayos lang ba talaga na lumabas ka? Hindi ba delikado dahil mag-isa ka?" alala kong tanong.

"Don't worry about me. Susunduin ako ng mga body guards ni Dad."

Nag-usap pa kami ni Kuya bago bumalik sa dining area. Ang dami niya na namang bilin sa akin. Sabi niya na kay Kuya Mac lang daw ako lumapit lagi. Ibibilin niya rin daw ako kay Ate Thea, pero huwag daw akong masyadong lumapit doon dahil may period daw si Ate at baka ako ang pagbalingan. Ni hindi ko alam kung bakit alam ni Kuya iyon!!! Tapos hindi pa rin daw alam ni Ate Thea na magkapatid kami.

Pagkabalik sa dining area ay wala si Kairon doon. Wala rin si Stephanie. Malamang ay magkasama pa rin sila roon sa kwarto ni Stephanie. Who knows kung anong milagro ang ginagawa nila roon! I closed my fist due to frustration.

"Kuya, mauna na ako. Wala akong gana kumain." bulong ko kay Kuya.

"You sure? Wala ka manlang nagustuhan sa mga pagkain?"

"W-wala." sabi ko at umalis na.

Hindi ko na narinig iyong huling sinabi ni Kuya.

Dahil sa sama ng loob ko kay Kairon, wala akong gana kumain at gusto kong mapag-isa. I decided to go at the garden instead.

I want silence. I want the wind and their cold blows to comfort me. I want the trees and their soft whispers to guide me.

Malapit na ako sa malaking puno para roon manatali nang makita ko si Kairon doon. He's leaning on the huge tree with both hands inside his pockets.

Hindi ito ang katahimikan na gusto ko. Dapat ngayon pa lang ay nagsisimula na akong maglakad palayo ngunit may bahagi sa akin na gustong manatili. Gustong gusto.

Tumikhim ako kaya naman ang mga mata ni Kairon ay napako sa akin. He looks so dangerous... So vicious.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob ngayon.

"Hindi ka kakain?" tanong ko.

His eyes lingered on me like I'm something precious but at the same time, harmful.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon