Chapter 58

334K 12K 16K
                                    

Chapter 58

Garden

Nanghina ang mga tuhod ko. Napaupo ako roon sa upuang nasa aking gilid.

Paulit-ulit akong umiling. Hindi pa rin lubos na makapaniwala sa aking mga narinig.

I am crying all out. I don't know what to say or what to react.

"K-kaya ba nilayuan mo si Jax, Kuya?" I asked him.

They are the closest before. Sila talaga ang matalik na magkaibigan at saling kitkit lamang ako.

However, bigla na lang hindi kinausap ni Kuya si Jax. Matagal ko nang iniisip kung ano ba talaga ang dahilan.

"Jaxith is my best friend. Pero nilayuan ko siya dahil sa natatakot akong malaman niya ang totoo. Kamumuhian niya ako, tayo, pag nalaman niya na ang Nanay natin ang dahilan kaya namatay ang Tito niya. Hindi lang iyon, baka gantihan din tayo ng mga Pereira pag nalaman ang impormasyong iyon... So I distance myself to him." saad ni Kuya.

Kumikirot ang dibdib ko. It is very hard for me to accept this reality.

My Mom broke the car break of his Tito, Calix Pereira.

Paulit-ulit kong binanggit ang pangalanna iyon sa isip ko. The name is very familiar to me... It's like I've heard it before.

Bigla na lang bumalik ang alala no'ng binisita namin ni Kairon ang puntod ng kapatid niya. May isa pa kaming binisita noon.

Calix E. Pereira

Iyon ang nakalagay sa lapida. Natatandaan ko! Shit!

Mas lalong lumakas ang hikbi ko. Mabilis na lumapit sa akin si Kuya Beau at yinakap ako ng mahigpit.

Iisa tao lang ba iyon? How is that possible that two of the closest people in my heart has a connection with the person my Mom accidentally killed?

Isn't it too much?

Yinakap ko si Kuya Beau pabalik. Sobrang naninikip ang dibdib ko sa mga impormasyong ito.

"Kaya pinapalayo kita kay Kairon. Because we will never know. Paano pag nalaman niya at ng pamilya niya ito? How will they react to this? Maaari nila tayong bawian, Paige. Hindi na nila mababawian si Mommy. Tayong pamilya ang babawian nila."

Hindi na ako nakapagsalita pa. I can't take all of these informations. I am drowning. My heart is drowning to the broken tears.

"I just want to protect you. That's all I wanted..." he said.

I know Kuya. I know he loves me so much. And he just wants the best for me. But I know what's best for me. And it's Kairon, isn't it? Or maybe I'm wrong all along?

My Mom is the reason why Kairon's Dad got in a coma and why his Mom's best friend died.

He and his family will hate me.

-

My mind is clouded. Nagising ako kinaumagahan sa sariling kwarto at natulala na lang sa kisame. I wanted to be alone. Pinatay ko ang sariling phone at napagdesisyunang huwag pumasok ngayong araw.

Ang sama-sama ng pakiramdam ko.

Pinipilit kong matulog nang biglang marinig kong may pumasok sa pintuan. Nakalock iyon, ah?

Agad akong bumangon at nakita ang naka unipormeng si Kuya Beau na pumasok sa loob ng kwarto ko.

"Get ready. Sabay tayong papasok." aniya.

Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong.

Kaya naman pala may nakapasok kahit nakalock ang kwarto ko. Si Kuya naman pala. Of course, he can always ask a spare key of his sister's room. Yeah, right.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon