Chapter 50

330K 14.4K 13.5K
                                    

You can use the hashtag #GarnetAcademy para mabasa ko tweets ninyo about this story. Thanks!

Chapter 50

Sacrificed

Tahimik ang lahat. I can't even move a flinch. I don't know what to say or react! Kahit ang madaldal na si Andy ay tahimik lang.

No one dared to talk except Lia. Yes, of course, Lia. A confident Terra Queen. "Lasing ka na, Lancer. Balik na tayo sa building natin."

"Samahan ko na kayo." ani Kuya Mac at pareho nilang inakay si Lance.

"Wow. I can't believe Lancer did that." ani Andy sabay inom ng beer.

Nakaalis na sila Lancer.

"Crazy! But anyway, bagay kayo, Paige. You may consider him now. I mean, single ka naman." si Stephanie iyon. Hindi ako sigurado kung nag-aamok siya o ano.

Habang naglalakad kami pabalik ni Jaxith, puno ng mga kung anu-ano ang utak ko. Lancer likes me. How come?

"That guy likes you." ani Jax sa gilid ko. "Naks. Ganda!"

Siniko ko si Jaxith. "It's not funny, Jax. Kaibigan ko 'yun. It'll now be awkward for the both us!"

Kumunot ang kanyang noo. "Paano kung ako ang magkagusto sa'yo?"

Napatitig ako sa kanya at hindi nakasagot.

"Magiging awkward din ba? I mean we're best friends..." ani Jax na akala mo'y kung sinong seryoso.

Napailing ako at natawa. "I tried to be serious, Jaxith. Pero hindi ko kaya." Lumakas pa ang tawa ko. "Never! Kilala kita."

"Hindi mo masasabi." sabi pa niya kaya kinurot ko ang kamay niya.

"Baliw!"

Sa panibagong araw ng klase ay medyo inaantok-antok pa ako dahil napuyat ako kagabi.

Panay ang hikab ko kahit na nagsimula nang magdiscuss iyong Professor namin.

"Any questions?" anang guro matapos ang mahabang discussion. "If none then I'll be pairing you by threes for a lab assignment."

Nagtawag siya ng pangalan ng mga magkakagrupo base sa mabunot niyang index card.

"For Group 5 it's... Chen, Evangelista, and Pereira."

Napakamot ulo ako. Magkagrupo ang dalawang kaibigan ko, si Lia at Jax! Dapat doon na lang ako kasama!

Wala naman sa klaseng ito si Andy at... Umm si Lancer. Nakakahiya kasi kung wala manlang akong kaclose. Sino pa ba ang pwede kong makagrupo na kakilala ko?!

"For Group 8 it's Buenaventura, Santiago, and... Gonzalez." anunsyo ng propesor.

Halos mabilaukan ako sa kinauupuan. What the hell? Tama ba ang rinig ko? Totoo ba? Sa dinadami-dami namin sa klase, kami pa talaga ang magkasama sa grupo! Siya pa talaga!

"Ba't ganyan ang reaksyon mo?" tanong ni Jax.

"Ano ka ba, Jax? Syempre makakapartner niya ang-" Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Lia. Pinandilatan ko pa siya ng mata.

Nang sa tingin kong kalmado na ang lahat ay binitawan ko na rin ang bibig niya.

"Ah, hehe. I mean makakapartner niya ang Commander. Ang hassle kaya no'n. Baka mag-utos lang ng mag-utos 'yun!" palusot ni Lia.

Hilaw akong ngumiti kay Jaxith. "Oo hehe."

Jax brows furrowed. "Gusto mo pagsabihan ko?"

Ay, wow! Ayan! Kaya ayaw ko rin malaman niya kung sino ang ex ko rito, eh.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon