Chapter 8

15.3K 141 8
                                    

Chapter 8

Natalie’s POV

Habang naglalakad ako papasok sa loob ng bahay, napaisip ako kung paano ko maseset-up agad yung plano namin Dominic, kinakabahan din ako kasi baka mamaya biglang magfail tong plano namin, pero siyempre gagawin ko pa rin ang best ko para dito, naisip ko rin kasi na sa paraang to matutulungan ko rin si Lyle pero sana hindi niya masamain to.

Napabuntong hininga ako, hayyy ano kayang mangyayari next week, pakiramdam ko kasi parang ang intense na ng paligid ko eh. Iniisip ko pa rin yung unang plano ni Dominic, kailangan kong makausap si Ma para dito, alam ko na kung si Lyle at Pa yung kakausapin ko tatanggihan nila ako kaya mas mabuti kung si Ma na lang.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, natanaw ko na agad si Ma dun sa may Dining Area, kailangan ko nga palang mag-sorry sa kanya kasi tumakas ako kanina. Agad akong lumapit sa kanya pero hindi niya ata ako napansin…

“Hi Ma!”

Napatingin ako dun sa lalaking nakatalikod sa akin na nakaupo sa isa sa upuan dun yung kausap ni Ma, siyempre kilala ko na agad kung sino yun. Back view palang gwapo na…

“O gising ka na pala?!”

Napatingin naman sila sa akin at mukhang naudlot ko ata yung usapan nila, nginitian ko na lang sila… parang ang panira ko lang sa pag-uusap nilang mag-ina

“Hi ija, kumain ka na ba?” napatingin ako kay Ma

“Uhhh, opo kumain na po ako, sige po akyat muna ako baka nagagambala ko po kayo…”

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ng…

“Iri oshio”

Narinig ko yung sinabing yun ni Lyle, ano daw? Pengeng oreo? Humarap ako sa kanila at tinignan siya, nakatingin siya sa akin ng seryoso. Hala? May sinabi ba siya saking bilhan ko siya ng oreo? Wala naman di ba?

“Huh? Wala akong oreo ngayon eh di ka naman nagsabi agad gusto mo bilhan kita?”

Pagkasabi ko nun biglang tumawa si Ma at sumama yung tingin sakin ni Lyle, grabe tong mga to baka naintindihan ko yung sinabi niya, oreo kaya narinig ko.

“Come here daw ija… o siya maiwan ko muna kayo at aasikasuhin ko pa yung mga rosas ko, sige”

Ahhh, ibang language pala yun, akala ko naman kung anong oreo ang pinagsasabi niya. Naglakad na rin paalis si Ma, at siyempre kaming dalawa na lang yung naiwan dito. Sinundan ko lang ng tingin si Ma hanggang sa makalabas siya ng loob ng bahay, binalik ko yung tingin ko kay Lyle at nakatingin lang siya sakin na parang may hinihintay siya na gagawin ko…

“Hello!” nakangiting bati ko sa kanya naningkit naman yung mga mata niya.

“Lapit”

Pagkasabi niya nun agad akong napalapit sa kanya, medyo matigas kasi yung tono ng pagkakasabi niya nun. Grabe to, minsan talaga hindi ko maiwasang hindi matakot sa kanya eh.

“Bakit?”

“Anong pinag-usapan niyo nung Dominic na yun?”

Tanong niya pero andun yung atensyon niya sa kape na nasa harap niya, hindi kaya yung baso ng kape yung kinakausap niya? Hindi ako sumagot at tinignan lang siya, inaantay ko rin kasi na sumagot yung baso. (Hala sige tumawa kayo, nagpapatawa ako!), ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin ako nasagot kaya tinignan niya na ako at siyempre masama pa rin ang tingin niya sakin.

“Ano?”

“Uhm, secret? Pwedeng mamaya na lang tayo mag-usap?”

Di ko din alam kung anong sasabihin ko sa kanya eh. Tumalikod na ako sa kanya at nagsimula nang humakbang nang maramdaman kong hinawakan niya yung pupulsuhan ko at hinatak bigla.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon