Special Chapter #1

9.5K 162 23
                                    

At dahil magpapasko na at sobra pa rin ang feels ko sa JTF, aba di na naka-get over si Author. Naka-isip ako ng special chapter! Yey! At dahil na rin sa nag-rank sa Humor Category ang JTF! Currently #9 ang rank niya. Grabe kinikilig ako guys kaya heto, gift ko sa inyo! Ibalik natin ang humor! Lol!

JTF Special Chapter: Budgeting and Lost Nathan

-Lyle’s POV-

 

“Heto, bilhin mo lahat ng nasa listahang yan” medyo may katarayang sabi niya at inabot sa akin yung mga papel kung saan nakalista yung mga kailangang bilhin sa grocery. Napatingin ako sa mga papel na yun at nagdadalawang-isip ko yung kinuha. Fck! Wala akong alam sa ganito pero okay lang, kahit ano naman siguro pwede na.

“O-okay” di siguradong sagot ko.

“Tandaan mo, kapag may kulang diyan kahit isang pirasong sibuyas. Huwag na huwag kang magpapakita sa akin Lyle” seryoso yung boses at tingin niya sa akin. Lihim naman akong napalunok, fck! “At isa pa, ami na wallet mo” aniya at inilahad niya yung kamay niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko at nagdadalawang isip akong kinuha ang wallet ko sa bulsa ko.

“Bakit?” tanong ko sa kanya at inilagay yung wallet sa kamay niya.

Hindi siya nagsalita at binuksan niya lang iyon at kumuha siya ng hindi ko alam kung magkano at tsaka niya binilang. Okay, kumuha siya ng limang libo sa wallet ko. Tumingin siya sa akin at kinuha niya yung kamay ko at inilagay doon yung limang libong kinuha niya sa wallet ko.

Fck? Anong gagawin niya?!

“Hayan, yan lang ang budget mo okay? Kaya dapat magkasya diyan lahat ng mga bibilhin mo pwedeng mas mababa diyan o sakta basta huwag lang lalagpas. Kapag lumagpas ng limang libo ang mga binili mo, huwag ka pa ring magpapakita sa akin, naiintindihan mo?” sabi niya ulit at itinabi niya yung wallet ko.

Tngna?! Hindi pwede!

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sa lahat ata ng pagsubok na pinagdaanan ko sa buhay, heto ang di ko kakayanin. Hindi ko alam kung paano ko mabibili ang mga nakasulat sa papel na ‘to ng five thousand pesos lang ang budget. Fck! Pinapahirapan talaga ako ng asawa ko. At fck, kung kukuhain niya ang wallet ko, wala talaga akong pera bukod sa binigay niya. Ano na lang ang mangyayari sa akin?!

“Hoy, naiintindihan mo ba ako?” natauhan ako nung magsalita ulit siya. Ang sama ng tingin niya sa akin.

“Hindi ba pwedeng dagdagan mo? Kahit another five thousand?” halos magmakaawa na ako sa kanya.

“Hindi, matuto kang magbudget” aniya

“Pero bakit tayo magbubudget, mayaman naman tayo” pagdadahilan ko, lalong sumama ang tingin niya sa akin.

“Basta dapat matuto kang mag-budget, sa ating dalawa ikaw ang pinaka-magastos, matuto ka namang magtipid”

“Tss. Paano kapag hindi ko nagawang bilhin lahat? Fck! Ang liit lang kaya ng limang libo” sabi ko sa kanya.

“Sa’yo maliit na halaga lang yan pero sa iba sobrang laki na niyan, magagawa mo yan Lyle basta alam mo kung paano mag-budget, na sa’yo na ang diskarte kung paano mo gagawin yun. At kung hindi mo magawa? Una, sa labas ka matutulog at pangalawa hindi ko ibabalik sa’yo ‘tong wallet mo for one week” seryosong sabi niya dahilan para manlaki ang mga mata ko. Hindi!

“Seryoso ka?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Nasa mukha ko ba ang nagbibiro, Lyle?” tanong niya at seryosong tanong niya sa akin. Lihim na lang akong napalunok at dahan-dahang umiling. Fck. Kapag ito nagawa ko, humanda ‘to sakin.

[MMME II] Journey To ForeverWhere stories live. Discover now