Chapter 37

9.3K 148 14
                                    

Chapter 37

-Lyle’s POV-

 

“How dare you to hurt your wife just like that ha Lyle?! This is too much! Hindi kita pinalaking ganito!” sigaw sa akin ni Ma at nakatikim ako ng malakas na sampal mula sa kanya. Tinignan ko siya at napapikit na lang ako sa klase ng tingin niya ibinigay niya sa akin.

Sa totoo lang, hindi ko na maramdaman ang sampal sa akin ni Ma at ang mga suntok ni Pa. Hindi na pala ata matatapatan ng kahit anong physical pain ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa puso at buong pagkatao ko. Tuluyan na ata akong namanhid at nawalan ng pakialam sa mga bagay sa paligid ko.

“I’m regretting my decision of letting you marry her Lyle,” mahinang sabi ni Ma. I looked at her and she’s crying. Lumapit siya sa akin at marahan niyang hinaplos ang mukha ko. Bukod sa pagiging walang kwenta kong asawa, narealize ko wala rin pala talaga akong kwentang anak. Wala na akong naidulot sa nanay ko kundi sakit. Huminga ako ng malalim.

“Hindi ka karapat-dapat sa kanya anak,” aniya at tsaka ako hinatak palapit sa kanya at niyakap. “Pero bakit ganun anak? Mali yung pag-iwan mo sa kanya eh, she’s carrying your child, she’s vulnerable pero bakit mo siya sinaktan?” malumanay na sabi niya at tsaka marahang hinaplos ang likod ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at unti-unti ng bumigat ang paghinga ko at nagsimulang umiyak. I hugged her back.

“Ma,” I sobbed “Ma wala akong kwentang asawa sa kanya, palagi ko na lang siyang nasasaktan at kapag nanatili pa siyang kasama ko, mas lalo lang siyang masasaktan sa akin, Ma” I cried and I hugged her tightly. “Ma, I’m sorry” pagkasabi ko nun ay hinigpitan niya yung yakap niya sa akin.

“Ano bang nangyayari sa’yo anak?” tanong niya at kumalas siya sa yakap niya sa akin at tsaka ako tinignan. Naluluha na rin siyang nakatingin sa akin. She held my face with her both hands and wiped my tears away. Nakatingin lang ako sa kanya habang iniiyak ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

“Ma, your son is an asshole” I sobbed. She smiled at me and she caressed my hair.

“Alam ni Mama” her voice broke when she said that. I smiled bitterly. “Kaya dapat kapag nagkaanak ka, hindi mo dapat itulad sa ugali mo ha? Mahirap palakihin ang tulad mo” aniya at marahan niyang hinaplos ang pisngi kong nasampal niya kanina “Kasi kulang ang sampal para magtino eh” she said.

“I lost my wife,” nanghihina kong sabi sa kanya at napayuko. “And I caused her so much pain, dapat lang sigurong hiwalayan niya ako. Pero Ma, makasarili ako eh, ayoko siyang mawala sa akin ng tuluyan. Natatakot akong baka may iba na ng umagaw sa kanya. Ma, gusto ko akin lang siya eh, pero natatakot akong hawakan siya. Pakiramdam ko isa akong malaking tinik sa buhay niya, once she comes near me, I’ll only cause her pain.” Napahagulgol ako dahilan para agad niya akong hapitin palapit sa kanya at yakapin ng mahigpit.

“Alam mo anak, sa totoo lang sa mga panahong binabantayan kita, gusto kong maranasang lumapit ka sa akin para ipakita kay Mama ang kahinaan mo. I always want to feel that I really become a mother to you,” she cried at marahan ulit hinaplos ang likod ko. “And now you’re here, crying in front of me. You really changed a lot, now you can able to show your vulnerable side”   

Sa tanang buhay ko, heto ata ang unang pagkakataong ipinakita ko ang kahinaan ko sa nanay ko. All my life I tried to hide everything to myself, because I thought that I can do everything alone. I never thought of crying in front of someone those years, kahit noong iwanan ako ni Yneh, they all knew that I was hurt but I never cried in front of them. Pero mula nung makilala ko si Natalie, she made me realize a lot of things, she made me experienced things that I thought I can’t do. Nagawa niya akong baguhin, nagawa kong magpakatotoo sa sarili ko ngayon.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon