Chapter 43

9.2K 183 27
                                    

Chapter 43 (Last Chapter)

-Lyle’s POV-

 

“Hello,” she greeted as she smiled at me. Kunot-noo lang akong nakatingin sa kanya, hindi ko alam kung bakit niya ako gustong makita. Hindi naman kami ganung magkakilala bukod sa alam kong kaibigan siya ni Natalie.

“Hindi ka talaga mukhang approachable tulad nung unang beses kitang nakita, I don’t like you” diretso niyang sabi at tsaka uminom ng kape. Tss. I don’t care.

“Well kung nandito ka para sabihin sa akin yan, okay. I don’t care” bagot na sagot ko sa kanya. Ngumiti na naman siya sa akin na sadyang kinaiinisan ko, there’s really something on her smile that bothers me. Hindi ko gusto ang ngiti niya.

“Hindi ako nandito para sabihin sa’yo yan, Mr. Forhel. I have to tell you something really important…” biglang humina ang boses niyang iyon, bumuntong hininga siya at nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya.

 

Damn! Hindi ko gusto yung mga reaksyon niya, kinakabahan ako ng hindi ko alam ang dahilan!

 

“An--ano yun?” medyo nanghina ang tono ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, naparami lang siguro ako ng nainom na kape kaya ako nagkakaganito.

“I promised to your wife that I won’t tell this, pero hindi ko na kaya. Hindi ko alam kung may plano ba siyang sabihin ang tungkol dito sa’yo o kahit sino sa pamilya niya pero mukhang wala siyang balak…” may halong lungkot ang boses niyang iyon dahilan para makaramdam ako ulit ng matinding kaba.

Hindi ako makapagsalita, nakatulala lang akong nakatingin sa kanya habang inaantay ko ang mga susunod niyang sasabihin. Hindi ko alam kung ano iyon, pero nakakaramdam na ako ng sobrang takot. Parang ayokong marinig ang sasabihin niya pero alam kong kailangan. Fck! I hate this feeling.

 

 

“Your wife has a heart disease” seryoso pero may bahid na lungkot niyang sabi.

 

Matinding panghihina ang naramdaman ko ng mga sandaling ito. Bumigat ang tibok ng puso at paghinga ko. Para akong nabingi sa sinabi niya.

“Hi--hindi…” nanghihina at napiyok kong sabi. Umiling ako sa kanya habang nararamdaman ko na namumuo na yung luha sa gilid ng mata ko. “Hin--hindi totoo yan…” sabi ko. Tinignan ko siya at nakita ko rin yung lungkot sa kanya. Fck! Hindi!

“Mahirap paniwalaan pero yun ang totoo, hindi ko alam kung bakit hindi niya kayang sabihin ang tungkol sa sakit niya sa inyo pero lagi niyang sinasabi sa akin na gusto niya masaya kayo. Hindi niya kayang makita kayong malungkot ng dahil sa kanya” she softly said. She sighed and looked at the side.

“Nung unang beses na nalaman ng asawa mo ang tungkol sa sakit niya, tulad mo hindi rin siya makapaniwala, she even cried all of a sudden telling that it’s not true. She even begged at my friend to tell her that he’s joking. But my friend shook his head. That happened three months after she left you” pagkasabi niya nun ay naramdaman ko na parang nabasag ang puso ko.

 

Sht! Wala ako sa tabi niya  nung mga panahon na kailangan niya ako. Kung meron mang dapat dumamay sa kanya sa mga sandaling iyon, ako dapat iyon. Ako yung asawa niya eh! Pero nasaan ako ng mga panahon na yun? Ano bang ginawa ko sa kanya? Sinaktan ko siya, sinaktan ko siya ng sobra bago siya umalis pagkatapos malalaman niyang may sakit siya?

[MMME II] Journey To ForeverWhere stories live. Discover now