Chapter 5

16.5K 156 10
                                    

Chapter 5

Natalie’s POV

Ang tahimik… ang tahimik talaga, sumusulyap-sulyap ako kay Lyle na seryoso lang na nakatingin sa daan habang nagdadrive, ano kayang nangyayari sa kanya nitong mga nakaraan at parang malalim yung mga iniisip niya, tapos simula nung umalis kami kanina sa mall parang lalo siyang nawala sa mood. Di ko rin naman alam kung paano ko siya i-aapproach, parang hayyyyy buhay…

Tumingin na lang ako sa labas at tinignan yung paligid, naalala ko yung mga pinag-usapan namin kanina nila Alex, tapos yung sinabi ni Kurt ano kayang nangyari noon? Pinikit ko na lang yung mata ko, ang dami ko na namang tanong ngayon sa utak ko dagdagan mo pa na parang may problema din ngayon si Lyle.

Naalala ko naman yung usapan namin kanina nila Coleen nung umalis sina Kurt at Jake. Ang aadik talaga ng mga yun, kung anu-anong mga pinagsasabi, ang eewan lang nila masyado sarap sapakin eh!

-Flash Back-

“Huy girl, may tanong kami”

Napatingin ako kay Alex habang patuloy pa rin na kumakain.

“Ano naman yun?”

Takang tanong ko sa kanya, nagkatinginan naman sila tapos tsaka nila ibinalik yung tingin nila sa akin.

“May anak na ba kayo?”

Pagkatapos kong marinig yung tanong nila ay agad akong nabilaukan, ampuchu naman o!

“Hoy Nat anyare sayo? Teka heto tubig o!”

Sabay about ni Coleen sakin ng baso ng tubig. Grabe tong mga to, nawindang talaga ako sa tanong nila shems. Inabot ko ito at agad na ininom, nung nakarecover na ako humarap ako sa kanila at parang inaantay pa rin nila yung sagot ko sa tanong nila. Grabe nawiwindang talaga ako, seryoso alam ko naman na anytime pwedeng mangyari yun pero ewan ko ba ang weird ko lang kasi ayoko pa siyang pag-usapan.

Umiling ako sa kanila awkwardly.

“Talaga?!”

Nagulat naman ako sa reaction nila kasi sabay pa silang sumigaw, napatingin pa nga samin yung mga tao na malapit sa amin. Ang adik talaga ng mga to!

“Parang ang tagal niyo ng mag-asawa ah? Wala pa rin? Grabe!”

“Ano ka ba Alex, malamang si Natalie kaya yang kaharap mo, mukhang wala ata sa plano niya yun eh”

“Huy grabe naman kayo, alam niyo girls di ko rin talaga alam, feeling ko masyado pa akong bata…”

“Aba? Ang feeling mo teh, pero sabagay ikaw pa naman yung pinakabata sa tropa natin at ikaw rin yung pinaka-inosente, at talagang nakakapagtaka dahil ang bilis mo ring nag-asawa.”

[MMME II] Journey To ForeverWhere stories live. Discover now