Chapter 35

8.4K 153 22
                                    

Alert! Alert! Masyado pong maraming bad words ang mababasa niyo dito so baka po may ma-offend ako. Humihingi na po ako ng tawad. Salamat!

 

Chapter 35

-Lyle’s POV-

 

“Hiwalayan mo ang asawa mo o papatayin namin siya at ang anak mo?” mariing sabi sa akin ni Shin habang naka-upo na siya ngayon sa tapat ko habang nakangisi sa akin. Matalim ko siyang tinignan at kung nakakamatay lang talaga ang tingin ko, sigurado ngayong pinaglalamayan na ang putanginang ‘to!

“Patayin mo na lang ako” malamig kong sabi sa kanya. Lalo lang lumawak ang ngiti niya na gusto kong burahin sa pagmumukha niya.

Tangina! Mas gugustuhin ko na lang mamatay sa halip na makita ang sarili ko na hinihiwalayan ang asawa ko. Sht! Para ko na ring papatayin ang sarili ko sa oras na ginawa ko yun! Hindi ko kayang hiwalayan si Natalie, hindi talaga! Hihiwalayan ko pa ba siya ngayong siya na ang buhay ko at magkakaanak pa kami?! Tangina! Sa oras lang talaga na makawala ako dito, ako mismo papatay sa mga tarantadong ‘to!

“Okay, I’m going to kill you first then I’ll kill your wife” malalim na ang tingin sa akin ng tarantadong ‘to.

“Hindi niyo sasaktan at gagalawin ang asawa ko,” seryoso kong sabi sa kanila. Gusto ko na talagang makawala dito sa pagkakatali nila sa akin at tsaka sila pagsusuntukin hanggang sa makita ko silang naglulupasay sa sahig. Putangina talaga nila!

Wala silang karapatang saktan ang asawa ko! Fck!

“Oo nga, hindi nga namin siya gagalawin at sasaktan ang asawa mo gaya ng gusto mo,” may bahid ng katarantaduhan ang boses niya. Nanggigigil na talaga ako sa hayop na ‘to!

“Mabait ang naging asawa mo, Lyle. Kanina nga habang papunta dito puro ikaw ang bukambibig niya, huwag ka daw naming sasaktan, papatayin blahblah. Maswerte ka sa kanya, mahal na mahal ka niya. And we can’t just hurt someone like her, Lyle not unless you want us to.” aniya.

“Tangina anong ginawa niyo sa kanya?!” bulyaw ko, nakita ko na naman yung ngiti niyang nakakasar.

“Wala nga kasi sabi kaming ginawa sa kanya, ang tulad niya hindi namin magagawang saktan” seryosong saad niya bago niya ako binigyan ng matalim na tingin “Kaya ang gusto namin, ikaw ang manakit sa kanya, you’re the one who’ll hurt like what you did to all of us before” pagkatapos niyang sabihin iyon ay natigilan ako bigla at nakaramdam ng panlalamig.

No. I can’t do that. I can’t hurt my wife again. Hindi ko na kakayanin kung sasaktan ko pa ulit ang asawa ko. I already made a mistake once and I don’t want to do it again. Hurting her will cause her so much pain but will cause me more pain than her. Hindi ko kaya. Putangina.

Hindi na ako nakapagsalita. Naramdaman ko ang biglang pagbigat ng pakiramdam ko, I find it hard to breathe. Isipin ko pa lang na sasaktan ko ang asawa ko pakiramdam ko pinapatay na ako.

“Natigilan ka ata diyan Lyle? Bakit mahirap ba? Nagagawa mo naman yan dati di ba? Bakit ngayon hindi na? Hindi mo na kaya?” sunod-sunod na tanong ni Shin at halata ang pang-aasar sa tono niya.

Mariin akong napapikit at huminga ng malalim, I’m trying to calm myself because right now I want to kill this person in front of me.

[MMME II] Journey To ForeverWhere stories live. Discover now