Chapter 25

10.7K 226 39
                                    

Hindi ko na aantayin yung 100 votes sa next chapter na lang. Nakakamotivate talaga kayo <3 Hihihihi. 100k reads na JTF! <3 

#HappyAuthor

Enjoy Reading guys! Wag kalimutang mag-comment :) 

***

Chapter 25

-Lyle’s POV-

 

“Hoy gago ka!” sigaw ko dun sa lalaking nakahood na kulay itim na nakatalikod sa akin. Agad akong lumapit sa kanya bago pa siya tuluyang makapasok sa sasakyan niya. Hinawakan ko ang balikat niya at iniharap siya sa akin tsaka sinalubong ng isang malakas na suntok.

Nandidilim talaga ang paningin ko sa p*tang**ang to!

Hinarap niya ako habang nakangiwi ito sa akin. Napahawak ito sa parte ng mukha niyang nasuntok ko. Natigilan ako nung makilala ko kung sino siya.

“Shin” mahina kong sambit. Nakangisi na ito sa akin.

Siya ang lalaking nangharang kay Yneh noong nakaraang linggo, hindi ko inakalang magpapakita pa ang tangnang hayop na ito sa akin. Sabi ni Yneh sa akin ay sila ng tngnang grupo niya ang pumatay sa anak namin noon. P**a! Gusto ko siyang patayin ngayon! Dahil sa kanya kaya nagdusa si Yneh noon, wala man lang ako sa tabi niya para protektahan siya, sila, sa lalaking ito. Malaki ang atraso sa akin ng gagong ito. At ngayon asawa ko naman na ang puntirya niya?!

“O? Bakit bigla kang nanununtok? May mali ba sa sinabi ko?” pa-inosenteng sabi niya sa akin.

“Tngina mo! Hindi patay ang asawa ko gago!” singhal ko sa kanya, umamba akong susuntukin siya pero agad niyang nahawakan ang kamao ko at ako naman ngayon ang sinuntok niya. Napaatras ako doon. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Hindi pa ba? Sorry ah, napaaga ata ako” mapang-asar na sabi niya agad ko naman siyang sinuntok ng sobrang lakas na naging dahilan para bumagsak siya sa semento.

Lumapit pa ako sa kanya at agad siyang kinuwelyuhan at sinimulang pagsusuntukin.

“Tngina mo papatayin kita!” bulyaw ko sa kanya. Hindi ko hinayaang makapalag siya sa akin pero nagagawa pa rin niyang harangin ang ibang mga suntok ko.

“Ano bang mali sa sinabi ko Lyle ha? Di ba ikaw naman ang may dahilan kung bakit ganun ang kondisyon ng asawa mo? Kapag namatay siya wala akong kasalanan dun, ikaw ang may kasalanan. Ikaw ang papatay sa kanya. Bakit parang takot na takot ka na ngayon? Hindi ba dati halos makapatay ka na nga ng tao pero wala ka namang pakialam? Pero bakit ngayon takot ka na?” nang-aasar na sabi niya sa akin.

Bigla akong tumigil sa pagsuntok sa kanya. That gave him a chance to push me to the ground. Nanghina ako. Ako nga pala ang may kagagawan nito sa asawa ko. Fck! Bumigat na naman ang pakiramdam ko.

Kinuwelyuhan naman niya ako at tsaka binigyan ng isang malakas na suntok. Hindi na ako nanlaban.

“Ano ha? Natatakot ka bang maguilty?” narinig ko siyang humalakhak at tsaka ulit ako sinuntok.

Hindi ko na naramdaman ang mga suntok na natatanggap ko mula sa kanya. Wala na akong lakas para labanan siya. Nakakapanghina ang katotohanang ako ang puno’t dulo ng lahat. Nanghihina ako dahil napagtanto ko na wala talaga akong kwentang tao.

Tama nga ang sabi ni Dominic. Hahabulin pa rin ako ng nakaraan ko. Hindi na iyon mawawala sa akin, at ngayon dinamay ko pa si Natalie. Wala siyang kasalanan sa mga nangyayari. Hindi dapat siya nasasaktan ngayon, she deserves happiness. Pero hindi ko man lang kayang ibigay iyon sa kanya. Nararamdaman ko na ngayon ang epekto ng mga katarantaduhang ginawa ko noon.

[MMME II] Journey To ForeverWhere stories live. Discover now