Chapter 6

16K 154 15
                                    

Author's Note: 

So regarding po sa mga humihingin ng Dedication lalo na sa Book 2, ang plano ko po sana ay kumuha na lang sa nagcomment :)) (Yung best comment para samin) para po Fair sa lahat. Yun lang po, salamat ^_^ 

Tsaka kung anuman po ang mga katanungan sa inyong isipan, sana masagot ito sa mga susunod pang mga Chapters. :)) Happy Reading! 

PS: Please, wala pong manlalait sa Update na itu, nahihiya po talaga ako >O< 

*** 

Chapter 6

Natalie’s POV

“Okay ka na ba?”

Tumingin ako kay Ma habang busy siya dun sa mga bulaklak niya, ngayon ko lang naappreciate yung ganda nung bahay nila dito, hindi ganoon kalaki yung bahay nila dito compare sa iba, masasabi ko na simple lang ito at hindi ganun kalaki, tapos ang lawak pa ng garden nila dito at punong-puno ito ng mga bulaklak.

Umupo ako sa upuan na malapit sa akin at pinagmasdan si Ma sa pagbubunot ata ng damo.

“Okay na po ako… thank you po”

Napatigil naman siya sa pagbubunot ng damo at tumingin sa akin, ngumiti siya at naglakad papunta sa akin.

“No worries, anak na rin naman kita”

Nginitian ko siya, grabe yung huli naming pagkikita ay yung bago kami umalis noon ni Lyle nung birthday niya. Tapos ngayon na lang ulit…

“Kamusta na po kayo? Ang tagal na rin po nating hindi nagkita ah?”

“Heto, yung mga bulaklak na lang muna yung inaasikaso ko ngayon, masyado kasing nakaka-stress sa opisina ngayon. Buti nga kayo okay yung takbo ng business niyo, no doubt na magaling talagang maghandle yung Lolo mo ng mga negosyo niya.”

Heto siguro yung problema ni Lyle kaya siya ganun nitong mga nakaraan. Masyado nga siguro talaga silang maraming inaasikaso at iniisip…

“Oo nga po eh, naastigan nga po ako kay Lo kasi nakayanan niyang palaguin yung business niya na siya lang mag-isa grabe sana namana ko rin yung ganung skills ni Lolo”

Tama, parang hindi ko pa naririnig na magkaproblema yung mga negosyo ni Lolo, at ang ganda ng pakikitungo niya sa lahat-lahat ng tao na involve sa company niya. Ang sabi nga sa akin ni Lolo, tratuhin ko daw yung mga tao na nagsisilbi sa kumpanya niya bilang isang pamilya, at dun ako lalong naastigan sa kanya. Magaling kasing maghandle si Lolo nga tao at ng sitwasyon, yun din yung sabi sa akin ni Nanay. Ang galing niya lang talaga…

“Hayyy, kaya sobrang proud ako at ikaw ang napangasawa ng anak ko, mula sayo hanggang sa pamilya ang galing niyo lang talaga, although alam ko na may flaws rin kayo, pero at least ngayon okay na kayo…”

Napangiti ako sa sinabi niya, nakwento na kasi sakin nila Nanay kung ano ba yung nangyari noon at kung bakit nila nalihim yung pagkatao ko. Dapat pala yung merging ng company ng Lolo ko at nila Lyle noon pang time nila Nanay, so dapat ang magpapakasal para matuloy yun ay si Nanay at tsaka yung tatay ni Lyle, pero that time may mahal nun si Nanay at yun ay siyempre yung Tatay ko, gusto pala dati ni Lolo na hiwalayan ni Nanay si Tatay kasi mahirap lang sila noon at wala daw mapapala si Nanay kung sasama siya kay Tatay, pero in the end nangibabaw yung pagmamahal ni Nanay kay Tatay kaya nagpasya si Nanay na suwayin si Lolo at sumama siya kay Tatay. Sinubukan ni Lolo na pilitin si Nanay na bumalik sa kanya since only child lang din ito at walang mag-aalaga sa mga negosyo nito, pero in the end sumuko si Lolo at hinayaan niya na lang na sumama si Nanay kay Tatay at mamuhay ng simple dahil sa iyon na rin yung gusto ni Nanay. At dun ko din nalaman na heto palang si Ma ay may gusto kay Pa (sa tatay ni Lyle), alam yun ni Nanay kaya in the end sinuportahan niya yung love team nila. At yun nagkatuluyan ang mga magulang ko at yung mga magulang ni Lyle!

[MMME II] Journey To ForeverWhere stories live. Discover now