Chapter 7

16.3K 140 10
                                    

Chapter 7

Natalie’s POV

“Uhm, hello…”

Nandito ako sa isang coffee shop na malapit halos sa may lugar nila Ma, at heto na nga nasa harapan na ako nung Dominic, napatingin ito sa akin at ngumiti.

“Hi! Upo ka”

Tapos tinuro niya yung upuang katapat niya, siyempre pumunta ako doon at umupo. Bakit parang ang awkward ng feeling ko ngayon sa kanya? Grabe di ko alam kung paano ko siya kakausapin!

“Salamat”

“So kamusta? May gusto ka bang orderin dito?” nakangiti niyang tanong sakin

“Okay lang naman, ano wag na lang, busog pa naman ako…”

Sa totoo lang hindi pa talaga ako kumakain, sabi ni Ma kumain daw muna ako bago ako umalis at magpahatid na lang ako kay Lyle pero wala tumakas na ako. Nakakahiya naman kasi di ba kung malalate ako sa usapan namin ni Dominic di ba? Magluluto pa lang kasi si Ma nung umalis na ako tapos si Lyle naman di ko na ginising, tapos heto, kahit pwede naman akong kumain dito parang ayoko, nahihiya kasi ako kay Dominic eh tsaka ang awkward talaga.

*Krooo Krooo*

Ay tokwa naman oh, biglang kumulo yung tiyan ko, shems nagugutom na ako at mas lalong nakakahiya to! Nagkatinginan kami tapos bigla siyang tumawa, napapikit tuloy ako sa sobrang hiya. Grabe talaga to! Napatingin pa yung mga tao sa pwesto namin, grabe parang gusto kong ibato tong vase sa pagmumukha niya para tumahimik siya.

“Hay, busog ka pala ah? Tss. Ano ka ba, wag ka ngang mahiya sa akin, kaya nga tayo nandito para maging comfortable tayo sa isa’t isa right? Kaya dapat bago tayo lumabas sa shop na to friends na tayo okay? So tara na?”

Nagulat ako nung bigla siyang tumayo at lumapit sa akin tsaka hinawakan yung kanang wrist ko at hatakin patayo.

“Huy teka lang—“

Dumiretso kami sa may counter at tumingin siya ng mga menu dun, habang tumitingin siya dun hindi ko maiwasang hindi siya tignan, hindi ko alam kung pakiramdam ko lang ba to o yun talaga siya. Para talagang napakamysterious ng pagkatao niya na may pagka-playful, para siyang yung different version ni Lyle, kung si Lyle mysterious type na seryoso, siya naman mysterious type na playful parang ganun. Ang weird ng mga pinagsasabi ko no? Basta ganun kasi yung nakikita ko. Pero mas weird sila.

“May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang libre ko naman eh!”

Nagbalik ako sa katinuan nung magsalita siya, nakatingin na ito sa akin at mukhang inaantay na yung sagot ko.

“Uhm, ikaw na lang yung bahala…”

“Okay!”

***

Hindi ko alam kung manlulula ako o ano sa nakikita ko sa harapan ko, kakaalis lang nung dalawang waiter sa table namin at kakalapag lang nila ng MGA pagkain dito. Gutom na gutom ba talaga siya?

“Seryoso ka ba talagang heto yung mga inorder mo?!”

Grabe hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko, sa pagkakaalam ko dalawa lang kami ang kakain pero grabe to, parang may fiesta sa dami ng pagkain na nakikita ko. Tinignan ko siya with disbelief, nagkibit balikat lang ito at ngumiti.

“Sabi mo ako bahala di ba? So heto ako ang bahala hindi tayo aalis dito hanggang hindi natin nauubos tong lahat. O di ba mahaba habang kwentuhan to!”

Hindi talaga ako makapaniwala, tinignan ko siya habang nagsisimula siyang kumain, idol ko na siya kapag naubos niya tong mga to.

“Uubusin mo to lahat?”

[MMME II] Journey To ForeverWhere stories live. Discover now