Chapter 30

10K 146 17
                                    

Chapter 30

-Natalie’s POV-

 

“Ayos ka lang ba?” rinig kong sabi ni Lyle. I sighed and looked at him, he looked so worried. Iniwas ko ang tingin sa kanya at napayuko na lang.

“Ayos lang ako” tipid na sagot ko sa kanya. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

“Gusto mo na bang umuwi?” tanong niya ulit sa akin. Tumango lang ako at tumayo mula sa pagkaka-upo ko at nagsimulang maglakad.

Hindi ko alam kung bakit parang wala akong mood ngayong araw na ‘to, maybe this is part of my pregnancy. Pero parang may iba talaga sa araw na ‘to na parang ayokong lumabas ng bahay, pakiramdam ko may mali eh. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. I just sighed, siguro mula nung matanggap ko yung sulat na yon at nung malaman ko yung past ni Lyle ay nagkakaganito na ako. Nagiging paranoid na ako sa mga bagay-bagay. Natatakot ako sa hindi ko malamang dahilan. And I know that this is not good for me and for my baby.

My baby…

 

Mahina akong ngumiti at pinasadahan ng isang haplos ang tiyan ko. Nagpacheck- up kasi kami ngayon, at masaya ako kasi okay naman na kami ng baby ko. Na-aamaze ako sa baby namin, ang tatag niya lang. Sobrang saya ko at the same time na-eexcite na akong makita siya, gusto ko ng malaman kung babae siya o lalaki. Although gusto ko ng babae, ewan ko dito sa katabi ko. Pero anuman ang gender ng baby namin, masaya na ako.

“Lyle?” tawag ko sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad at humarap sa akin.

Sakto namang nakakita ako ng isang babae na buntis din at inaalalayan siya ng asawa niya, kung titignan ko parang malapit na siyang manganak. Ang cute nilang tignan kasi yung lalaki sobrang ingat na ingat sa asawa niya. Parang wala silang prinoproblema…

“Bakit?”

Magsasalita na sana ako nung biglang mapatingin sa akin yung babaeng buntis na tinitignan ko kanina. She smiled at me, napayuko ako, naramadaman kong lumapit siya sa amin at huminto sa harapan ko.

“Hello…” sabi nung babae. Napatingin ako sa kanya at nakangiti pa rin ito sa akin, nasa likod nito ang asawa niya.

“Uhm, hi…” naiilang kong bati sa kanya.

“Nagpacheck-up ka rin ba?” masiglang tanong niya sa akin. Marahan naman akong tumango sa kanya at lalong lumapad ang ngiti niya.

“Naku, siguro wala ka pang tatlong buwan no? Hindi pa kasi halata, ang ganda at payat mo pa rin! Lagi kang mag-iingat okay? Naku naalala ko nung nasa ganyang stage pa lang ako, lagi kong nasasapak ‘tong si Kevin eh! Hindi ko alam pero sobrang gigil na gigil ako sa kanya nung mga time na yun, siya yata ang napaglihian ko. Hahahaha! Pero hindi niya ako iniwan, nanatili siya sa tabi ko hanggang ngayong malapit ng lumabas ang kambal namin”

Natiglan naman ako sa sinabi niya.

“Kambal?” nagtatakang tanong ko, masaya siyang tumango sa akin at hinimas pa ang malaki niyang tiyan.

“Oo!” masiglang sabi niya “At dalawang linggo na lang malapit na namin silang makita” aniya at hinawakan niya ang kamay ko.

“Congrats…” bati ko sa kanya.

“Salamat! Kaya ikaw mag-iingat ka ha? Wag mo masyadong iistress ang sarili mo sa mga bagay-bagay. Kanina pa kasi kita tinitignan, mukhang malalim ang iniisip mo, sige ka baka mamaya mapano ang baby niyo” sabi niya sa akin at tumango na lang ako.

[MMME II] Journey To ForeverWhere stories live. Discover now