Chapter 42

8.3K 160 31
                                    

Chapter 42

-Natalie’s POV-

 

Tahimik lang akong kumakain at nanunood ng T.V habang si Lyle naman ay yun abala sa pag-pipintura ng kwarto ni Baby Nathan. Sabi ko nga sa kanya, ipagawa na lang niya sa iba pero mapilit siya kaya hayun pagbigyan. Magta-tatlong oras na nga siya dun at hindi pa rin siya lumalabas kaya nauna na tuloy akong kumain.

Habang kumakain, bigla ko na namang naalala yung sinabi sa akin nila Camille nung isang araw, mas lalo daw nagiging complicated lahat, may ibang gamot na rin raw na hindi na tumatalab sa akin kaya mas lalong lumalala yung sakit ko. Delikado na raw sa akin kung ipapanganak ko ang anak ko sa normal na paraan ng panganganak, kaya baka ma-cesarean ako, bagay na kailangang malaman ni Lyle at ng pamilya ko. Lalo tuloy akong nakaramdam ng takot. Habang lumilipas ang mga araw at nakakaramdam ako ng panghihina pero pinipilit ko pa ring maging malakas. I can’t give up now, and I won’t do that until my last breath.

Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-isip. Kung kailangang maayos na kami ni Lyle, kung kailang alam kong masaya na kami at makakapamuhay ng payapa, tsaka naman nangyari sa akin ito. Sa totoo lang tuwing gabi ipinagdarasal ko na sana paggising ko kinabukasan wala akong sakit, na bangungot ko lang pala yun. Gusto ko pang mabuhay, gusto ko pang makasama si Lyle at masaksihan ang paglaki ng anak ko. Ang dami ko pang gustong gawin, pero isang sampal lang ng katotohanan na sa isang iglap pwede akong mawala sa mundong ‘to, I somehow feel sad and weak.

But then I really don’t want to lose hope… I want to believe and to hold on something, even though it’s impossible. But then nothing’s impossible right?

“Bakit ka umiiyak, Bebe ko?” nag-aalalang tanong ni Lyle. Doon ko lang narealize na umiiyak na pala ako, agad ko namang pinahid ang mga luha ko at humarap sa kanya. Hindi ko man lang namalayan na lumabas na pala siya.

“Wala…” sabi ko at uminom ng tubig.

Pinagmasdan ko si Lyle na umupo sa tapat ko. Natatakot talaga akong sabihin sa kanya yung kalagayan ko, he really looks so happy right now, natatakot na baka bigla iyong mawala kapag sinabi ko sa kanyang mamamatay na ako.

“May problema ka ba?” kunot noong tanong niya, marahan akong umiling at bumuntong hininga siya “Nitong mga nakaraang araw lagi kita nakikitang nagsspace-out, meron kang problema, Nat” seryoso niyang sabi sa akin. Tumingin naman ako sa kanya at nakita ko yung nag-aalalang tingin niya.

“I’m sorry…” mahinang sabi ko “Siguro epekto lang talaga ‘to ng pagbubuntis ko” sabi ko at napayuko.

“Magpahinga ka na” sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya at naramdaman kong humigpit yung hawak niya sa kamay ko at mahina siyang ngumiti. “Tulog muna tayo? Tutal hindi pa naman tuyo yung pintura dun sa kwarto” sabi niya at tumayo siya habang hawak ang kamay ko.

“Pero hindi ka pa kumakain?” sabi ko sa kanya at pinigilan siya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

“Okay lang, hindi naman ako gutom” aniya at marahan niya akong hinila patayo sa kinauupuan ko.

“Pero kasi---” hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung bigla siyang humarap sa akin at marahan akong hinalikan sandali at humiwalay din siya agad.

“Hayan, busog na ako” nakangising saad niya kaya bigla ko naman siyang sinapak. Pakiramdam ko namula ako sa ginawa niya. Ang landi niya talaga!

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon