Chapter 9

14.1K 145 13
                                    

Thank you po for still reading this. :)) I'll try my best to update as soon as I can! Merci! 

*** 

Chapter 9

Natalie’s POV

Kasalukuyan kami ngayong nakaupo sa may bench sa ilalim ng puno, nakakatuwa tong lugar na to kasi ang daming bulaklak sa paligid, nakaramdam na ako ng pagod. Hawak hawak namin ang kamay ng isa’t isa, napangiti ulit ako, maybe this is not the typical date na nakikita ko sa paligid ko na hinihiling kong mangyari sa akin, pero narealize ko na being with him is enough.

“Are you happy?”

Napatingin naman ako sa kanya, he’s not looking at me, diretso lang siyang nakatingin sa paligid.

“Of course, makasama lang kita masaya na ako. Being with you here in my side is enough, enough to make me happy and of course knowing that you love me so much is more than enough and that causes me too much happiness…”

Napatingin naman siya sa akin at nangisi.

“You really love me don’t you?”

This time binigyan ko siya ng weird na tingin.

“Siyempre naman, kung hindi kita mahal siguro hindi ikaw ang kasama ko sa mga sandaling to, alam mo yun?”

“Sino? Yung first love mo?”

Akala ko naiirita siya, pero nakangiti pa rin siya sa akin. Tinignan ko naman siya ng seryoso.

“Maybe, baka siya or may iba pa… pero wala na rin akong balak pang isipin yung mga yun kasi ikaw naman yung nasa tabi ko ngayon.”

Hinatak niya pa ako lalo palapit sa kanya at ipinatong niya yung ulo niya sa balikat ko tapos pinulupot niya yung kamay niya sa kanang braso ko.

“Did you know that I’m so proud that I got you?”

Lalo tuloy akong napangiti sa sinabi niya, feeling ko masyado na kaming nagiging cheesy dito masyado, siguro korny na para sa iba pero sa akin ang sarap pakinggan at ang sarap ulit-ulitin nung mga pinagsasabi namin.

“Aba’y dapat lang!”

“Renzel…Kyle…tapos meron ka pa palang Jake… I really feel so happy knowing that you’re mine…”

Naramdamdaman ko na lalo niyang hinigpitan yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Grabe lalong lumalapad yung ngiti sa mukha ko.

“That means na kailangan mo akong ingatan, aba isa lang ako sa mundong to kaya kapag nawala ako malaking kawalan yun sayo.”

“Kaya nga hindi ko hahayaang mawala ka sa akin…”

After nun natahimik kami, feel na feel ko talaga tong moment na to eh.

“Lyle? Pwedeng magtanong?”

Pagbabasag ko sa katahimikan sa pagitan namin, hindi pa rin kami nagalaw.

“Hmmmm?”

“Bakit kayo naghiwalay ni Yneh noon?”

Hindi ko alam kung okay lang sa kanya mag-open ako ng tungkol sa ex niya at mas lalong hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa mga sasabihin niya. Pero wala eh, curious ako… di ko alam.

“She left me…”

“Ahhhh… kelan mo siya nakalimutan?”

This time tumingin siya sakin and curiosity is written all over his face. Sabagay ang weird ko nga naman, I’m just asking my husband about his ex girlfriend.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon