Chapter 15

13.4K 144 19
                                    

Chapter 15

Natalie’s POV

Bigla kong naidilat yung mata ko, shemay anong nangyari? Napaupo ako at nasapo ko yung ulo ko, napapikit ako sandali pero dinilat ko rin agad at narealize ko na nasa bahay na ako and to be specific andito na ako sa kwarto namin. Naalala ko na naman yung nangyari kanina, ayyy grabe talaga yun! Bigla akong nagpanic nung narealize ko na hindi ko na alam yung nangyari sa event/competition na kanina, kaya dali-dali kong hinanap yung bag ko at hinanap yung phone na nakita ko rin naman agad kaya tinignan ko ito agad at nakita na ang daming nagtext. Pero inuna ko agad yung kay Dominic.

'Whatever happened to the both of you sana maging okay na kayo, he’s so scary kanina na akala ko papatayin na niya ako. Anyways, see you next event and congrats satin! And yeah don't forget our plan okay? Next week na yun, call me if you need help'

Nung nabasa ko yun ay agad akong nakaramdam ng guilt, hayyyy. Nagreply naman ako sa kanya para humingi ng sorry sa nangyari at sa kung anuman yung ginawa ni Lyle sa kanya. Pagkatapos kong magreply ay agad kong tinignan yung iba pang messages, mostly kay Yana, Ella at Lyka ang laman. Siyempre nireplyan ko na rin sila, pero si Yana, hayyy sabi ko pa naman mag-uusap kami ngayon pero wala. Napatingin ako dun sa mga missed calls, at nagulat ako nung makita ko na dalawang beses nagmissed call yung Unknown Specie na nagsend sakin nung pictures kagabi, wahhhhhhhhhh! Nacurious tuloy ako bigla kung sino siya, parang gusto ko na siyang makausap, siempre okay na kami ni Lyle, pero gusto ko lang malaman yung point of view nung nakakita. At tsaka nacurious talaga ako eh. Tatawagan ko na sana yung number nung, parang may kakaiba akong nararamdaman, at bago ko pa narealize kung ano yun, napatakbo na ako papunta sa banyo at nagsuka. Shocks, narealize ko na wala pa pala ako halos nakakain ngayong araw. Yun siguro yung dahilan kung bakit ang sama ng pakiramdam ko ngayong araw na to. Nung medyo okay na ako ay inaayos ko na yung sarili ko at huminga ng malalim.

Nung nakalabas ako ng banyo, kinuha ko agad yung phone ko at tinawagan na yung Unknown Specie, pero nakakatatlong ring palang ay bigla ko ng binaba yung phone ko kasi may narinig akong nagbukas ng pinto, agad akong napaharap at nakita si Manang.

“O gising ka na pala ija,” sambit niya nung nakita niya akong nakatayo sa gilid ng kama “kanina pa kita binabalikbalikan dito eh” pagpapatuloy niya, nilapag ko yung phone ko sa side table. Humarap ako ng maayos kay Manang at ngumiti

“Opo, sorry po kung pinag-alala ko kayo”

Napayuko ako pagkasabi ko nun, hayyyy feeling ko talaga ang laki ng nagawa kong kasalanan sa mga tao ngayon. Lumapit naman siya sa akin at inakay ako paupo sa may gilid ng kama. Napatingin ako sa kanya at nakita ko na nakangiti ito sa akin.

“Okay lang ija, pero sa susunod kung may problema kayong dalawa ni Lyle, pag-usapan niyo agad. Hindi yung ganun, yung basta-basta mo na lang hindi siya kakausapin. Mas lalo lang lalala yung problema pag ganun. Dapat kausapin mo siya agad,” pagkasabi niya nun napahinto siya sandali at parang nagdalawang isip pa kung magsasalita pa o hindi, tinignan niya ako at ngumiti na lang.

“Nga pala, anong nangyari sayo ija, nagulat na lang kami dito nung umuwi yung asawa mo dito na buhat ka na,” tanong niya sakin, parang automatic naman na nagflashback sa utak ko yung nangyari kanina, wahhhhhh! Nakakaramdam ako ng matinding hiya ngayon grabe.

“Ahhh, ang sama po kasi ng pakiramdam ko kanina pa,” mahina kong sambit, nakita ko yung pag-aalala ni Manang sakin pero ngumiti ako sa kanya “Hindi po kasi ako nakakain nang maayos kanina kaya ako nakaramdam ng hilo kanina” pagkatapos kong sabihin yon at tumawa ako ng mahina.

“Ayyy nako, kaya kumain ka na ngayon” sabi ni Manang “nasa baba ang asawa mo, siya ang nagluto”

Tumango na lang ako, gusto ko ring kumain pero parang nangingibabaw na naman yung katamaran ko at ang gusto ko na lang gawin ay ang mahiga sa kama, feeling ko talaga hinahatak na ako neto pahiga eh. Hayyy, mukha talaga akong ewan ngayon.

[MMME II] Journey To ForeverWhere stories live. Discover now