Chapter 39

8.1K 163 30
                                    

SPG: TEMA (Kung may ma-ooffend ako, sorry po)

 

 

Chapter 39

-Yneh’s POV-

 

I sighed heavily before I put the envelopes at the side table of my bed. Maybe, this place isn’t really meant for me, maybe I really belong to another place where I can experience happiness that’s really meant for me. Tama nga siguro si Natalie may mga bagay na nakalaan para sa akin, pero hindi ko siguro yun makikita dito.

Napatingin ako sa picture frame na nakapatong sa table. It’s our last family picture before our parents died on a car accident. Mga bata pa lang kami ni Ailee dito, masaya kaming lahat… everything seems perfect. May mga luha na namang namumuo sa mga mata ko, I miss them so much, siguro kung nandito sila sa tabi ko hindi sana magiging ganito ang buhay ko. I wouldn’t be blinded with selfishness and desire. Agad kong pinunasan yung luhang natulo mula sa mga mata ko.

Mabigat ang pakiramdam kong tumayo at naglakad papunta sa may pintuan. Pagkahawak ko ng doorknob ay muli kong tinignan yung kwarto ko, tears are still falling from my eyes. I really hope that this will be the last time that I’ll cry. Pagod na ako. I give up. Sariwa pa rin sa memorya ko ang nangyari kagabi, pinakita at pinatunayan sa akin ni Lyle na kahit anong gawin ko, hindi ko na siya makukuhang ulit. Nagawa ko ng maging masama pero wala pa ring nangyari, ako pa rin ang talo.

Huminga ako ng malalim at tsaka binuksan ang pinto at tuluyang lumabas para puntahan ang kwarto ng kapatid ko. Binuksan ko ito at nakitang madilim, nung mapatingin ako sa kama ay nakita kong walang tao roon. She really hates me, I understand. Nangako ako sa mga magulang namin na aalagaan ko siya pero hindi ko yun nagawa. Mas inuna ko pa ang pagmamahal ko kay Lyle. Maybe my parents were mad at me, mag-sosorry na lang siguro ako sa kanila, mamaya.

Sinarado ko na yung pinto ng kwarto niya at nagsimulang maglakad palabas ng bahay. Habang naglalakad ako papunta sa sasakyan ko, bumabalik lahat ng mga memories sa isipan ko. May mga masasaya, may mga masasakit, may mga malungkot… I feel nostalgic. If I can go back in time, I wish I can correct my mistakes. I wish I can do the right things. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

“Ang lamig…” I murmured.

Nayakap ko ang sarili ko habang naglalakad ako sa isang lugar. Napatingin ako sa paligid at nung bumalik sa alaala ko ang nangyari dito years ago ay mahina akong napangiti. Huminga ako ng malalim bago ko hinawakan yung rails ng tulay kung saan ako nagtangkang magpakamatay dati.

“She gave me an extension…” napiyok na sabi ko. I’m referring to Natalie. Matagal na sana akong wala sa mundong ito kung hindi siya dumating at pinigilan ako. I sighed and looked at the surroundings. Napakatahimik, nararamdaman ko ang pagiging mag-isa ko.

“This will be the end of my sufferings,” I stated and paused for a while to stop myself from crying. “Makikita ko po kayo… Mama, Papa… pati na rin ikaw baby. I miss you all so much” I sobbed. Sinimulan ko ng umakyat sa may tuntungan nung tulay.

“Baka kapag kayo yung kasama ko magiging masaya ako, mawawala na ng tuluyan ang sakit na nararamdaman ko. Lyle is not meant for me, ako lang kasi ‘tong tanga na nagpupumilit pa. Siguro kung hindi ko siya iniwan at pinaglaban ko siya ay may pag-asa kami. But I guess he’s not for me” hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. “Pagod na po ako, gusto ko ng tapusin ang lahat. Nakakapagod ng lumaban, ang dami ko ng pagkakamaling nagawa. Ang dami kong nasaktan sa pagiging makasarili ko” I closed my eyes and wiped my tears. I opened my eyes and looked down. I smiled a bit.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon