Chapter 14

13.1K 132 9
                                    

Warning: Peyl Chapter. :3 Please bare with this :( 

***

Chapter 14

Natalie’s POV

Sinusubukan ko talagang makawala sa pagkakahawak sakin ni Lyle pero hindi ko kaya, grabe feeling ko naghahalo-halo na yung nararamdaman ko. Yung sama ng pakiramdam, pagod, kaba basta! Nakakaloka na~

“Teka san--san mo ko da--dalhin?”

Tinignan niya ako at hindi na ako nagsalita ulit kasi ang sama talaga ng tingin niya sakin.

“We’ll talk”

Pagkasabi niya yun ay binuksan niya yung isang pinto at pumasok sa loob habang hatak-hatak ako, pagkapasok niya sa loob ay agad niya akong binitawan at nilock niya yung pinto tsaka sumandal doon. Lalong bumilis yung kabog ng puso ko sabayan mo pa ng sobrang lamig ng kwartong to at ng mga nararamdaman ko, nakakapanghina.

“Feeling ko inaantay na nila ako, so kung pwede tumabi ka na diyan” sinabi ko yun habang nakatingin sa malayo, pag kasi tinignan ko siya baka di ko na kayanin. Baka bigla na lang akong himatayin dito.  

“No, I don’t care, we’ll talk, we’re not going out of this room unless, okay na tayo”

“Sorry kung nagalit kita…” mahina kong sabi pero hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.

“Good, buti alam mong galit ako”

Napapikit na lang ako, grabe parang pako yung pagkakasabi niya nun kasi bumabaon sa akin. Seryoso nakakatakot talaga siya ngayon, parang ngayon nangingibabaw yung takot kesa sa sakit na naramdaman ko nung makita ko yung picture. Kung sabagay hindi ko rin naman siya masisisi, pero argh, masakit talaga sakin yung nakita ko eh, ikaw ba naman makita yung asawa mo na may kahalikang iba di ba?

“Galit na galit ako ngayon Natalie alam mo ba yun?”

Oo alam ko, ramdam ko nga eh. This time napatingin na ako sa kanya at sinalubong na naman niya ako ng mga matatalim niyang tingin.

“Sorry talaga, hindi ko naman to ginusto eh” nadala lang ako nung nakita kong pictures!

“Really?”

Bigla akong nagpanic at napaatras nung humakbang siya palapit sa akin, fudge! He grins at humakbang pa lalo palapit sa akin, kaya lalo tuloy akong napapaatras.

“Te—teka!”

Grabe nagpapanic na talaga ako, tapos ang lakas pa nang tibok ng puso ko, nakakasuffocate na! Nabigla ako nung mahawakan niya yung kanang wrist ko at hinatak pasandal sa may pader, hinawakan niya rin yung kaliwang wrist ko at ipinatong pareho sa ulunan ko at hinigpitan yung pagkakahawak niya dun. Shemay, pakiramdam ko naririnig na niya yung lakas ng tibok ng puso ko at biglang nawala yung sama ng pakiramdam ko. Wahhhhhh! Ottoke?!  

“Anong problema mo? Bakit mo ko iniiwasan?”

Napatingin ako sa kanya at ang lapit ng mukha niya sakin. Nadidistract talaga ako sa mga sandaling ito, ottoke?! Sasabihin ko na ba?

“Someone… someone…” hindi ko matuloy-tuloy yung sasabihin ko kasi nadidistract ako sa ginagawa ni Lyle, kapag nagsasalita kasi ako nilalapit niya yung mukha niya sa akin na parang hahalikan niya ako. Shemay, nakakainis! Pinikit ko na lang yung mata ko.

“May nagpadala sakin kagabi… ng picture niyo ni Yneh na magkayakap at nagkiss…”

Pagkasabi ko nun napamulat ako ng mata, nagkatinginan kami tapos iniwas ko na yung tingin ko sa kanya. Napakagat ako ng labi, heto na nasabi ko na. Naramdaman ko na binitawan niya yung kaliwang wrist ko.

[MMME II] Journey To ForeverWhere stories live. Discover now