Chapter 11

13.7K 132 9
                                    

Yey! Gusto ko pong magthank you sa lahat ng nagbabasa, nagvovote at nagcocomment sa story na to. Thank you po sa support! <3 Labyu all po! Mwah! 

*** 

Chapter 11

Lyle’s POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng restaurant iginala ko na ang tingin ko sa buong lugar para hanapin si Yneh. Hindi naman ako natagalan sa paghahanap nakita ko agad siya at nakita niya rin ako. Ngumiti ito sa akin at kumaway, pilit naman akong ngumiti sa kaniya at nagsimulang maglakad papunta sa puwesto niya.

“Hi” matipid na bati ko rito nang makarating ako sa harapan niya.

“Uhh, I’m expecting for a formal greeting from you?”

Nakangiti niyang tanong sa akin, umupo naman ako sa tapat niya at ipinatong ang envelope na naglalaman ng kontrata sa mesa. Tinignan ko siya at nakatingin din siya sakin, as if she’s examining me. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumikhim.

“Do I have to?”

“Not really, but I think you’re kinda formal when it comes to business right?”

“Yes, but I guess I can give you an exception, we’re here not only for the contract but also for the competition.”

After kong sabihin yun ngumiti ulit siya sa akin, tinignan niya ako ng diretso sa mata at ginawa ko rin iyon.

“Akala ko isasama mo si Natalie”

Napakunot ang noo sa sinabi niya, tumingin siya sa gilid at bumuntong hininga tsaka niya ibinalik ang tingin niya sa akin and again, ngumiti ulit siya pero I can sense na there’s something behind her smile, hindi pa rin siya nagbabago.

“There’s no reason for me na dalhin pa siya dito…” 

“Really, hindi ba siya mag-iisip ng kung ano dahil magkasama tayo ngayon? You know, I’m still your ex girlfriend…”

I suddenly remember my wife’s expression when I told her that I’m going to meet Yneh, she said that its okay but I know she’s not okay with this, nababasa ko yun sa expression ng mukha niya, and honestly speaking I like it, she’s giving me a reason to put a distance between me and Yneh.  Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya sa mga sandaling ito, may punto si Yneh sa sinasabi niya pero I don’t care.

“I don’t know”

“Well, maiintindihan ko siya sa nararamdaman niya, naramdaman ko rin yun nung tayo pa dati eh”

Napahinto ako at napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. She clapped her hands and laughs.

“Anyways, let’s go back to our business”

I nodded as I give her the envelope, kinuha naman niya ito agad at inilabas ang mga papeles na nasa loob, pinagmamasdan ko lang siya sa ginagawa niya. Ngayon ko lang narealize na walang nagbago sa kanya, I guess she’s the same Yneh who became my girlfriend back then. She’s currently reading the papers that I gave her. After how many minutes, tinignan niya ako at nakakunot na ang noo niya.

“Wag mo akong titigan ng ganyan, you’re just giving me a reason to fall more for you again”

Then she let out a meaningful smile, with that I look at the other side pero agad ko din namang ibinalik sa kanya ang tingin ko. Tinignan ko siya ng seryoso at makahulagan then I grin.

“I know you’re still in love with me, I know it’s hard to forget someone you love so much, alam ko yan kasi naranasan ko yan. But you should forget me and try to focus to other people around you or try to look for someone better than me. Sa mga darating na araw na magkakasama tayo, gusto kong maging professional tayo Yneh, no personal issues.”

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon