Chapter 15

431K 16.5K 9.1K
                                    

Chapter 15

Bullies

Nakatanggap ako ng text galing kay Kuya Beau na magkita kami roon sa Cafe malapit sa GA Mall. Agad naman akong nagpunta roon nang matanggap ko ang kanyang text.

"What's with you face?" bungad ni Kuya nang makita ako. Nakabusangot na kasi agad ako sa kanya.

"Tss. Alam ko na, Kuya. Na aalis kayo." sabi ko pagkaupo.

Itinulak naman ni Kuya iyong strawberry cream frappe sa akin. Agad akong sumipsip doon.

"Malamang narinig mo kanina." ani Kuya at uminom sa kanyang coffee jelly.

Inikutan ko lamang si Kuya ng mata.

"'Wag ka na magtampo, lil sis. Saglit lang naman 'yon." aniya.

"Saglit? Isang linggo kaya 'yun!"

Huminga ng malalim si Kuya. "We'll be back before you know it. Itext mo ako o tawagan kung may problema, okay?"

Tumango-tango naman ako. Wala naman din akong magagawa.

Pagbalik ko sa kwarto ni Kairon ay nandoon na siya. Napalunok ako nang makita kong nag-aayos na siya ng gamit. Bukas na pala agad ang alis nila. Ang bilis bilis.

"Hey," he called.

"Bakit?" halos bulong ang tanong kong iyon sa kanya.

"Aalis ako bukas. Mawawala ako ng ilang araw..." panimula niya. Halos ayaw kong marinig dahil nalulungkot ako.

Hindi ko matignan si Kairon. Nakayuko lamang ako ngayong nasa harap ko siya.

"I won't be there by your side." aniya. Mas lalo akong nalulungkot sa aking mga naririnig. Kainis!

"Take care of yourself, hmm..." he said. I can feel him so close to me. I can feel his breath on my forehead.

"I-I will." nauutal kong sabi.

"And... no boys." aniya.

Kunot noo akong nag-angat ng tingin kay Kairon. "H-ha?"

"I don't want other boys near you. Hear me?" mataman niyang sabi. Sa lakas ng tibok ng puso ko ay gusto kong lumayo sa kanya dahil baka nararamdaman niya iyon!

Mabilis akong tumango at lumayo sa kanya.

"Mag-iingat kayo." sabi ko.

"You, too. I'll be back." he said and then ruffled my hair.

Damn it! How I wish he doesn't need to go...

-

Hindi ko na naabutan ang pag-alis ng mga Flamma dahil madaling araw pa lang daw ay umalis na sila. Kay Kuya ko lamang iyon nalaman dahil tinadtad niya ako ng text sa mga habilin niya.

Malungkot akong naglalakad sa hallway. Pakiramdam ko nga ay wala ako sa wisyo. Gayunpaman, napapansin ko ang mga tinginan ng tao sa akin. Almost everyone I've crossed at the hallway is looking at me. Some are even in disgust! What the hell?

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon