Chapter 48- Sheet of paper

941 24 12
                                    

Siguro naman ay deserve ko ang votes nyo ngayon diba? Salamat sa mga taong walang sawang nagv-vote sa story ko. Godbless :)

Enjoy reading.

*********

STEFFIE’S POV

Simula ng gabing natulog kami sa ‘hideout’ nila Bryan ay naging sobrang close na nila ni Jm.. AS IN SOBRA! Dikit na dikit!

Kung kaya nga lang ako ibenta ni Jm ay matagal nya na akong binenta kay Bry... ay hindi. Baka ibigay nya nalang ako ng libre.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila nung natulog na kami.. pero siguradong-sigurado ako may kalokohang ginawa ‘tong dalawang ‘to.

Halos dalawang linggo na din ang lumipas simula nung nagsleepover kami. Naging busy na sobra si Bryan sa upcoming movies niya habang ako.. eto stuck sa school dahil kailangan kong bawiin ang rank ko.

Kahit naman wala siya ay hindi niya kinaligtaan ang ‘panliligaw’ niya. Halos araw-araw pa ko pa din naabutan ang kung anu-anong abubot sa mesa ko.. tapos tuwing break at lunch time naman automatic na may dumarating na pagkain para sakin. Astig no? This is what I get from having THE BRYAN HARRIS as my suitor.

And speaking of the sexy handsome gorgeous  beast...

BRYAN CALLING..

“Goodmorning baby!” paalis palang kami ng bahay papuntang school. Everyday ganito lagi ang routine namin.. Oh great! I wouldn’t get tired hearing his husky voice every morning.

“Goodmorning Bry! Where are you? Makakapasok ka na ba ngayon?” sa dalawang linggo na wala siya, I must admit I really miss his presence. Kahit lagi akong naiinis sa kanya ay hinahanap ko pa din siya sa kahit saan ako magpunta.

I heard him chuckle. “Eager to see me, baby?” jusme! Kung alam mo lang! Halos takbuhin ko na ang lugar kung nasaan ka man makita ka lang..

Pero syempre hindi ko sasabihin yun.. sabi nga ni Cecille at Ryzza, isa akong babaeng Pilipina. At ang mga babaeng pilipina ay HARD TO GET. “ASA Bryan! Well, I’m just thinking.. Baka kasi nakalimutan mo na yung about sa deal natin tungkol sa ranking?”

“Ofcourse not, baby. The whole staff were rushing the scenes to be shoot because I told them I need to get back in school asap.”

Bahhh! Bago yun ah! Samantalang dati tumatagal siya ng 5 buwan wala sa school at puro special exams lang ang tini-take.

“That’s great.. So kelan ka nga papasok?” bullpig. I hope hindi ako tunog ganun ka-atat na makita siya. Huli na ng narealize ko yung tinanong ko sa kanya.

Narinig ko ang paggalaw niya. He’s probably still in his bed right now. “Sorry, inabot ko lang yung kumot.. Hmm, wag mo ako masyadong ma-miss baby. Maybe next week magkasama na ulit tayo. Pero kung miss mo na talaga ako... pwede ko naman iwan ‘to para sayo.” I can sense that he’s smirking right now.

“Miss your face! Osha, I have to go. Baka ma-late ako. Ngayon pa naman dadating yung kapalit ni Miss Enriquez. Bumangon ka na and have your breakfast.”

He sighed. “I wish I can hug you, I really miss you baby.. Pagkatapos talaga ng project na ‘to kahit maghapon yayakapin kita.” nag-init naman ang mga pisngi ko. Ang lalaking ‘to talaga! Hindi ko tuloy magawang magmatigas sa kanya!

“Wag ka na madrama dyan! Kelangan ko na umalis, sasabunutan na ako nila Jm. Kanina pa sila naghihintay.”

“Hayyy. Okay. Yung bilin ko ha, wag ka masyadong tumabi kay Clarence. Isama mo lagi si Alvin at Kevin kapag may pupuntahan ka.. kainin mo yung mga pagkaing pinapadala ko, patay ka sakin kapag pumayat ka. Wag ka makipagusap sa ibang lalaki.. wag kang tumingin sa iba, ako lang dapat ha. Itext mo ako at wag ka kung saan-saan pumupunta. And lastly, tell me if you want to see me or you need me, you know I can leave everything for you right? Tell me kapag may problema..” habang sinasabi niya ang mahabang litanya nya ay sinasabayan ko siya.

Be MineWhere stories live. Discover now