Chapter 15- Another Postponed Lovestory?

1.2K 22 3
                                    

CECILLE’S POV

I am Cecille Martinez. You can call me Cel. Matagal ko ng kaibigan si Steff, nung nagbakasyon siya sa probinsya namin, nakilala namin siya ni JM at naging kaibigan. I must say she’s one of the kindest girl I’ve ever met. Hindi tulad ng mga anak ng businessmans na nakikila ko sa mga gatherings, Steff is a simple girl who has a simple needs.

Even though isa sa mga pinakamayayamang pamilya sa Asia ang kinabibilangan niya, hindi mo makikita yun sa kanya once na nakilala mo na siya. Steff has a big heart for every simple things. Gusto niyang kumain ng streetfoods kesa sa mamahaling restaurant, sumakay sa jeep/bus kesa magpahatid sa driver nila, maglakad, at mamuhay tulad ng isang simpleng tao.

Pero katulad namin ni JM, hindi namin yun magawa dahil may mga kanya kanya kaming obligations and names na kailangan protektahan for the sake of our families.

“Cel, where’s Steff na kaya? She told me naman na pajuwi na siya. Why why why wala pa siya? Gosh. I’m so worried na.. For sure nakarating na yung balita sa parents niya and ghad couz! Ang dami ng umaaway sa kanya sa facebook.” Hysterical na sabi ni Jm habang katapat niya yung laptop niya.

Andito kami ngayon sa sala ng bahay nila Steff at naghihintay sa pagdating niya.

Hindi ko alam kung anong naisipan ng babaeng yun para maging careless ng ganito. Kahit kailan ay hindi nasangkot sa mga malalaking issue tulad nito si Steff dahil nga may image siyang pinoprotektahan, pero dahil sa Bryan na yun ay eto at mukhang uhaw na uhaw ang mga tao sa personal background niya at handang gawin lahat para siraan siya.

“Wag ka ngang nerbyoso masyado Jm. She’ll be fine, kilala mo si Steff.” Alam ko hindi niya ipapahamak ang sarili niya.

“Hay. Naman kasi itey si ateh. Hindi ko magetsung ang nasa isip at sumama kay Fafa Bryan, sweet pa ang mga pictures na kuha sa kanila oh! Look!”

Nakita ko nga, may isang picture na masaya silang kumakain at yung isa naman ay palabas sila ng Jollibee at nakahawak si Bryan sa may bewang niya.

“Baka friends lang naman sila couz.”

“Ay! Wit ka couz! Matagal na nating friendlaloo yang si Steff. Wit na wit akong maniniwala if she tells me na wala syang something kay Fafa Bryan!”

Sabagay. Ako din naman e, we know Steff. Kahit na inaasar namin siya kay Rence na halata namang overly inlove na inlove sa kanya ay iba parin ang tingin ni Steff kay Bryan. Sa isang araw ay mga 580 times siguro siyang magnakaw ng tingin kay Bryan! Wag ka, bilang na bilang ko! Tama siya. Matagal na kaming magkakaibigan at kahit nagkakahiwalay ay kilala na namin si Steff. Iba siyang tumingin kay Bryan, may sparks e. Yung literal na sparks!

“Sabagay pero hintayin nalang natin yung paliwanag niya.”

“OH GOSH! Who’s this fvcking girl?” galit na galit niyang sabi habang nakaturo sa screen ng laptop.

“Bakit? Anong meron?” sabay tingin ko. May anti-Steffie Chua na page na yung mga fans ng BRYAINE na fansclub. Grabe. Puro mura at pangiinsulto ang sinasabi nila kay Steff,. Slut, bitch, whore, lahat ng curse words na pwedeng sabihin sa isang tao nasabi na nila.

Be MineWhere stories live. Discover now