Chapter 52- Pregnant

874 27 18
                                    

Sorry sa grammatical and spelling errors! Tao lang po.. Wag nyo ako awayin pleaseee.. Haha. Comment and vote naman dyan! :)

Labs ko kayo lahat! Godbless! :))))) :* -Ainelabs

*****************

Matapos ang photoshoot incident na yun ay hinatid lang ako ni Bryan sa bahay at sinabing nagmamadali siya dahil may hinahabol siyang TVC shoot.

Ilang araw na din ang lumipas at balik na ulit lahat sa dati. Okay na nga pala kami ni Jake, nung nagkita kami after nung gabi na yun he acted like nothing happened, balik na siya ulit sa pagiging makulit at madaldal so I acted the same way. Si Alvin at Kevin naman lagi na naming kasama dahil sila lang ang naiwang dalawa dahil busy nga si Bryan..

Miss na miss ko na tuloy siya.. Hayyy.

Umaga ngayon at nasa corridor na kami at naglalakad, kasama ko si Jake, Ryzza, JM at Cecille. “Alam mo pansin ko dito kay Jm at Ryzza parang may cold war.” sabi ko habang tinitignan sila.

Ilang beses na kami na nagkakasama at laging yung dalawa ay kung lumayo sa isa’t isa parang pinandidirihan ng sobra at pansin ko din ang pag-iirapan nila madalas. Tulad ngayon, nagtinginan sila tapos biglang nagirapan ulit. Tsk.

“I bet boylet ang problema ng dalawang yan!” akusa ni Cecille habang ngumunguya ng potchi. Kahapon kasi ang nasa table ko na padala ni Bryan ay isang bear, isang kahon ng potchi at roses. Hindi ko alam kung paano nya din nalaman na gusto ko ng potchi.. Pero hindi naman to the extent na makakaubos ako ng isang kahon! OA talaga yun. -_-

Tinapik ni Jake yung balikat ni Jm. “Bro, ano bang problema?” mas sumimangot si Jm pero tinignan ulit ng masama si Ryzza.

“Sya kasi e! Mang-aagaw na froglet!” with matching pointing finger pa.

Nakasambakol na din ang mukha ni Ryzza. “Hoy anong ako?! Kasalanan ko bang ako ang gusto nya at hindi ikaw? Bakit ba sakin ka nagagalit!?”

“Wag ka ng magdahilan Betty! Mangaagaw ka pa din! Wag mong kalimutan na kung hindi dahil sakin hindi ka magmumukhang tao!”

“Hindi nga sabi ako mangaagaw! Ngayon nanunumbat ka na!”

“Oo bakit?! Sa tingin mo ba magugustuhan ka nya kung ganun pa din ang itsura mo!? Inagaw mo sya sakin!”

“Hindi sabi!”

“Mangaagaw!”

“Bakla ka kasi, naiinsecure ka kaya ka ganyan!”

“Anong sabi mo ha?!!!!” susugurin na ni Jm si Ryzza kaya pumagitna na ako, ganun din naman si Jake na inawat na si Jm.

“Hep hep! Guys! Ano ba kayo?! Lalaki lang ba ang sisira sa pagkakaibigan natin?” saway ko sa kanila. Narinig ko na ang mga hikbi ni Ryzza.

“Ang pathetic nyo tignan, promise. Sino ba yang lalaking pinagkakaguluhan nyo?” Cecille asked while still chewing non-stop.

Parehas nag-iwas tingin samin ang dalawa. Walang may balak magsalita.. “Sasabihin nyo ba o hahambalusin ko kayong dalawa?”

Kung si Cecille ba naman ang magsalita e, siguradong matatakot ang dalawang yan. “Si Harris.” mahinang sagot ni Ryzza.

“H-Harris?” sa dinig ko ay halos parehas ang boses namin ni Cecille. Teka, wag nilang sabihin na nililigawan din sila ni Bryan!?

“Aish! Hindi si Bryan at Alvin! Si Ryan Jeffrey!” depensa agad ni Jm.. Whew, parehas kaming nakahinga ng maluwag dun. Oo nga no? Bakit di ko naisip yun?

Be MineWhere stories live. Discover now