Chapter 30- Last day

1.2K 22 5
                                    

Pasensya na kayo hindi ko na na-edit. Gusto ko na kasi makapagupdate agad e. :( Sana magustuhan nyo. Sorry sa spelling and grammatical errors.

Salamat sa comments nyo guys! Ang OA ko pero naiiyak ako sa bawat comment nyo and thankyou sa mga nagmmessage sakin.

Sha! Enjoy reading mga labs. :)

"Love is when you just want him to be happy."

****************************************************************

“Anong iniisip mo?” tanong niya. Nakahiga ako sa braso niya at nakayakap sa kanya at yakap niya din ako.

Oo na! Oo na, kinikilig na ako. Ang bait bait sakin ni Lord, binigay niya sakin yung taong mataglal ko ng pangarap. I secretly smiled.

“You.”

I heard him chuckle. “Hindi ko alam ang cheesy mo pala, Miss Chua.” naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko.

“Kinikilig ka lang e. Sus!” asar ko. Sana kinikilig ka din, kasi ako sobrang kinikilig. Muehehehe.

Kung panaginip to sana hindi muna ako magising. Wag muna, hindi pa ako handang mawala ulit siya sakin. Pwede bang sulitin ko muna?

“Stop worrying.” malambing nyang sabi out of nowhere.

“H-Huh?”

“I can feel it. Stop thinking of others, Steffie. Selfish ako, gusto ko ako lang ang iniisip mo.”

Nag-init ang pisngi ko. Naks! Gumaganon! Haha.

“Bryiee. What about Laine?” Hindi ko alam. Hanggang ngayon ay nagguilty ako, natatakot. Sa sobrang saya ko ngayon ay baka bukas maging malungkot naman ako.

Paano kung karmahin ako? Alam kong sila pa pero heto ako at kayakap ang boyfriend niya. Sht! Ito na naman yung bigat sa dibdib ko.

Bakit ba ang kumplikado ng buhay ko? Nagmamahal lang ako, pero kahit kailan ay hindi ko naisip na papasok ako sa ganitong sitwasyon. Paano kung biglang pumasok sa eksena ang ‘karma’?

Ang malas ko naman kung ganun. Hindi ko pa nga nasusulit ang taong mahal ko. :(

“What about her?” I can sense na parang wala siyang ganang pag-usapan si Laine.

“Siguro.. Mas okay kung hindi ka muna makipaghiwalay sa kanya.” sabi ko. Masakit sabihin to sa kanya, syempre kung ako lang din naman ang papipiliin gusto ko akin lang siya.

Yung maisisigaw ko sa buong mundo na ako ang mahal niya.

“WHAT?! Baby, we already talked about this matter.” iritadong baling niya sakin.

“I don’t want her hurt.” ayokong masaktan si Laine ng dahil sakin. Pakiramdam ko ay ang sama sama kong tao. Feeling ko ay isa akong ahas na kaibigan. Arrghhh. Guilty feelings, get away from me!

He sigh and his hug tighten. “I don’t want you hurt either. And if I have to choose kung sinong dapat kong masaktan sa inyong dalawa, syempre ay pipiliin kong masaktan siya kesa ikaw.” He looked at me straight in the eye. Shemay siomai! Lifeguard nga dyan! I’m drowning here!!! >o<

“I’ll save you from any pain that will come your way, Steff.” sabay halik sa tungki ng ilong ko. “Let’s sleep baby. May mas mahirap daw na drills tomorrow si Coach.”

Be MineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang