Chapter 6 - Friends

1.4K 25 6
                                    

Nasa labas pa din ako ng emergency room. Nabigla ako ng nagsulputan nalang ang mga reporters. Sht! Buti nalang at humarang yung mga guard, dinala nila ako sa isang private office.

“Sir, dito muna ho kayo hanggat hindi pa po naming napapaalis yung mga reporters.”

“Sige, please pakibilisan ang pagpapaalis sa kanila. Kailangan ko malaman kung anong lagay ng kaibigan ko. Salamat.”

Lumabas na yung mga guard. Naiwan ako dito ng bigla naming tumunog ang phone ko.

*Babe Calling*

Ah sht! Si Laine! Nakalimutan kong kasama ko nga pala siya kanina. Sinagot ko nalang yung tawag niya.

“Babe. I’m……”

“HOW COULD YOU DO THIS TO ME!?” hindi ko na natapos yung sasabihin ko. Ngayon niya lang ata ako nasigawan ng ganito.

“Babe, let me explain okay?” Hays. Lagi nalang ba ako magui-guilty? -_-

“DON’T CALL ME BABE! After.. haaaaaaaaah. You just.. haah. Bry… I can’t….. breathe. Asthma…. Bry.. haaaa.” Natigilan ako. Nahihirapan siyang huminga. Halata sa pagsasalita niya. Nataranta na ako.

“WHERE ARE YOU?!”

“Gym….” Hindi pa din pala siya umaalis dun. Tumakbo na ako palabas ng hospital.

“Dyan ka lang. Papunta na ako.” Malapit lang naman ang school dito, buti nalang at ipinasunod ko sa P.A ko yung sasakyan ko kanina habang nasa ambulance ako.

Pagkasakay ko sa kotse ko, pinaharurot ko na to agad. Baka kung anong mangyari kay Laine! Tss.

Tinawagan ko si Alvin.

“Uy pare. Kmsta na si Steff?” Psh. Halatang concern sya e. May gusto pa ata to kay Steff. -_-

“Alvin, puntahan mo si Steff sa hospital. She’s still in the emergency room. Andyan ba si Laine? Pakisabi sa ibang members pakicheck siya kasi daw inaatake siya ng asthma. Papunta na ako dyan. AT ISAMA MO SI KEVIN. HUMANDA KAYO SAKIN KAPAG LUMIPAS ANG 5 MINUTO NA WALA PA KAYO SA HOSPITAL. KILOS NA!” Hindi ko na siya hinintay magsalita pa.

Nakarating na ako sa parking lot ng school. At nagtatakbo na ako pababa ng sasakyan papuntang gym.

Nakita ko siya.

Nakaupong magisa, nakatungo at halatang umiiyak.. Nasasaktan ako. Ang tanga ko lang para paiyakin ang taong minahal ko ng ilang taon. Nilapitan ko siya at lumuhod sa harapan niya. Bigla niya nalang akong niyakap at sinabi na..

“PLEASE STAY AWAY FROM HER. PLEASE BABE.”

Iyak na sya ng iyak kaya wala akong ibang nagawa kundi yakapin nalang din siya ng mahigpit.. Hindi ko maintindihan. Bakit ganito? Bakit siya ganito? Hindi ba at nagging bestfriend niya si Steff?

“Please Bryan. Promise me you’ll stay away from her.”

Anong stay away? Para saan?

“Ano bang nagawa kong masama Laine?” wala talaga akong idea kung anong nagawa ko para magkaganito siya.

“She might take you away from me.” Sabi niya na umiiyak pa din.

Natawa naman ako ng bahagya, “Babe, you’re just being paranoid.”

“NO! Bryan naman. Mahal mo ba ako talaga?”

Eto na naman po kami. Hindi na lumipas ang araw na hindi niya ako kinukulit sa mga mahal-mahal na yan. -_____________-

“Laine, hindi pa ba sapat yung iniwan ko na lahat ng babae ko para sayo. Nagbabago na ako para sayo. Ano ba pang kulang? Ano pang kailangan kong gawin para maniwala kang mahal kita?”

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon