Chapter 46- Fried Chicken

964 29 12
                                    

BRYAN’S POV

Andito na kami ngayon sa SNR. Buti nalang at wala masyadong tao, mga members lang kasi ang nakakapasok dito at karamihan ng mga members ay mga elites, actors/actresses, mga goverment officials at most likely ay wala masyadong mga press na gumagala dito.

Nakasuot lang ako ng wayfarer at cap ganun din naman ang mahal ko. Kahit daw kasi may kasama kami ay pag nakita kaming dalawa issue pa din.

Mapula pa din ang tenga ko dahil dun sa kaibigan babae ni Steff na si Cecille. Hindi nga ako sigurado kung babae o lalaki yan e. Grabe! Amasona! Kung nakakatakot si Steff mas nkakatakot ‘to!

Pagbintangan ba naman akong hinalay si Steff! Grabe! Sobrang pagpipigil nga ang ginagawa ko lalo na’t kaming dalawa lang sa condo tapos kung anu-ano pang iisipin nila sakin.. Tss

“Bro, bakit ka lumipat? Maganda naman yung penthouse mo ah? Tsaka madami kang chickababes na ka-building eh! Dapat dun ka nalang.” sabi sakin ni Alvin habang patuloy kaming naglalakad at tumitingin ng pwedeng bilhin.

Nauuna samin sila Steff na pinapagalitan ang mga kaibigan niya. Paano ba naman, bukod sa sugat ko sa tenga ay may pasa ako sa mukha dahil sinuntok ako ng amasonang yun. -_-

Akalain mong malakas sumuntok yun. Si Kevin naman na walang ginawa kundi ang umawat ay namumula ang mata dahil sinundot nung Ryka? Rysha? Hindi ko alam. Ang hirap magtanda ng pangalan!

At si Alvin?! Wala. Kahit isang kalmot wala siya. Ang kurimaw na ‘to! Hindi man lang ako tinulungan kanina! “Ayaw ni Steff kaya bumili ako ng bago.”

“Bakit kasi di ka nalang sa bahay nyo? Ang laki-laki ng bahay nyo tapos mag-isa lang si tita dun.”

Tinignan ko siya ng masama. “Gusto mo ba araw-araw akong bungangaan ni Mama dahil siguradong araw-araw din siyang guguluhin ng media..Tsaka wag mo nga akong kausapin! Asar ako sayong gago ka!”

“Hoy inano kita!?” tignan mo! Tatawa-tawa pa siya!

“Hindi mo man lang inawat yung amasonang babae na yun kanina!” ang alam ko ay close sila. Hindi man lang pumagitna ang gaguu na ‘to.

Tumawa siya habang tinuturo ako. “Bro, kahit black belter ng taekwondo walang gawa dyan, ako pa kaya? Hayaan mo na! Pa-belo mo nalang yang pasa mo.”

Kumuha ako ng de lata at akmang ibabato sa kanya ng hinarangan nya ako agad. “G@go! Teka, asan na ba yung Kevin na yun??”

“Andun oh! Katabi ni Ryzza, tinamaan ata.” sabay nguso sa babaeng tumusok ng mata ni Kevin.

Psh. Tinamaan -_- Lahat naman ng babae tinatamaan kayo. Tss

“Fafa Bry, ano bang bibilhin natin?” tanong sakin ni Jm. Atleast yun tanda ko ang pangalan. Katabi niya ngayon si Steff at hawak nila pareho yung push cart.

Lumapit ako at tinulak sya. “Ano ba Fafa Bry? Isa ka ding mapanakit.”

“Gusto ko ako ang katabi ni Steff pagtulak ng cart eh.” ito nalang kasi yung oras na hindi ko kailangang lumayo o umakto na wala lang siya para sakin.

Mahirap magpanggap na wala akong pakealam sa kanya kahit ang totoo naman ay ang buong sistema ko umiikot lang sa kanya.

Gusto ko siyang tabihan, lapitan, yakapin at halikan. Pero ayaw nya, gusto niyang sikreto dahil ayaw nya daw na mas lumala ang mga usapan.

“Bry, wag ka dito. Baka may makakita satin!”

Tignan nyo? Sandali palang ako sa tabi niya ay pinagtatabuyan na ako. Tss. Pag si Clarence naman ang nakadikit okay lang!

Be MineWhere stories live. Discover now