Chapter 23- This fight is for you

1.2K 23 4
                                    

Enjoy reading! Please free to post your ideas and comments. Your criticism will be appreciated. :)

Godbless Us..

"Kung magmamalinis ka rin lang, mag-janitor ka na lang."

-Ainelabs

***************************************

Tinawag na kami ni Coach dahil tapos na lahat ng squad magperform. May lunch break lang tapos simula na ng first game at kami yun na makakalaban ang mahigpit naming kaaway na team— Stanford International School.

‘KYAAAAAH! BRYAN! PAPICTURE NAMAN!!’

‘BRYAN!! PA-AUTOGRAPH AKO PLEASEEE!’

‘MARRY ME BRYAAAANNNNNN!’

Kaya ayaw ko sa mga maraming tao pag ganitong event e. Sobrang daming estudyante. Dumog dito, dumog doon. Picture dito, picture doon. Autograph dito, autograph doon. Psh. Di pa man nagsisimula ang laro ay pagod na ako. Buti nalang ay may provided na personal bodyguards na umaawat sa mga fans kaya hindi ako masyadong napipi.

“Grabe. Sarap siguro maging sikat na artista no?” sabi ni Matt pagpasok namin sa locker room.

“Di din.” Maikling sagot ko.

“Oh team, handa na ba kayong makalaban ulit ang Stanford?” tanong ni Coach.

“YES COACH.” Sabay-sabay na sabi namin.

“Excited na nga akong lampasuhin yung mga mayayabang na yun e!” gigil na sabi ni Kevin.

Sa lahat ng basketball competition na nasasalihan namin ay sila talaga ang lagi naming nakakainitan.. Magagaling sila pero mayayabang kaya inis kami sa kanilang lahat.

Sinimulan na ni Coach sabihin ang game plan. Bilang captain ay kailangan na ako daw ang mag-lead ng laro namin para kami ang mag-control na game. Tiwala naman ako sa team ko, alam ko mananalo kami dito.

Balik court na ulit kami. Andun nadin ang players ng Stanford at nagppractice ng shooting. Psh. Bulok.

Iginala ko ang mata ko sa bench para tignan kung manonood siya..

At hindi ako nagkamali.. She’s at the bench, sitting and chatting with her friends. Mabuti naman at okay na ang suot niya.

Pero hindi pa din maitatanggi na makaka-attract pa din siya sa simpleng suot niya. Nakikita ko pa ang ilang lalaking malapit sa pwesto nya at kinukuhanan sya ng picture.. Nagiinit na naman ang ulo ko. >o<

“Pare. Baka matunaw ha?” bulong ni Kevin sakin.

 “Babe.” Biglang may yumakap sa waist ko.

Si Laine.

“Galingan mo ha? I love you.” Sabi ni Laine sabay kiss sa cheeks.

“UYYY! INSPIRED NA YAN SI HARRIS!” kantyaw naman ng team.

Weird pero wala man lang akong naramdaman na ginanahan ako maglaro. “Love you too.” Mahinang sabi ko sa kanya.

Nagsimula na din kaming magpractice ng shooting.

Nagulat kami nung biglang lumapit yung captain ng Stanford.. Si Mark Sy. Anak ng mag-asawang Leila at Fernando Sy, ang may-ari ng Sy Incorporation  na isa sa pinakamahigpit na competitor ng Harris Inc.

“I have a deal.” Mayabang na sabi nito habang nasa likod nito ang mga alalay nyang team -_-

“Ano yun?” napansin kong papalapit na din ang team ko dahil siguro napansin nilang napapaligiran ako ng mga mayayabang na to.

Be MineWhere stories live. Discover now