Chapter 59- Meet the parents

580 26 6
                                    

Salamat sa pagbasa, votes, at pagfollow! Sobrang natutuwa ako :) Yun talaga yung nakakapagmotivate sakin na magupdate. Maraming salamat mga labs! Godbless. :)

STEFFIE’S POV

Halos mapasigaw ako ng makita na ang lapit ng mukha ni Cecille at JM pagmulat ko.. Nagulat ako kaya napabangon ako ng wala sa oras.

Nagkauntugan tuloy kaming tatlo. “OUCH!” sabay-sabay na sabi namin.

I glared at them habang hawak ang parte na masakit sa noo ko. “ Bakit ba ang lapit ng mukha nyo sakin? Kung tignan nyo ako ay parang isang linggo na kayong hindi kumakain at isa akong masarap na pagkain! Wala pa bang almusal sa baba?!” reklamo ko.

Nakakagulat naman kasi, madalas ganyan ang ginagawa nila sakin. -_- Nakakagulat tuloy!

JM cross his arms while looking at me. “Anong oras ka na umuwi?!” pagtingin ko kay Cecille ay ganun din ang porma niya.

“Anong ginawa nyo kagabi?”

Pagkatapos niya ay nagsalita ulit si JM. Wala talaga silang balak na pagsalitain ako. “Naghalikan na ba kayo ha?!”

Kumunot ang noo ko. Parang alam ko na kung saan papunta ang usapang ito. “Binigay mo na ba sa kanya ang perlas ng silanganan?” sabi ulit ni Cecille.

“Gumamit ba kayo ng condom!??” halos makagat ko ang dila ko sa tanong ni JM. WTF!? Wala pa akong masyadong tulog at masakit ang ulo ko pagkatapos ay kung anu-ano ng kabalbalan ang naririnig ko sa kanila.

Juicecolored naman po! Agang-agaaaa!

Napabuntong-hininga nalang ako.. Inhale.. Exhale.. Nagugutom na ako..

Nagtext na kaya si Bryan? Baka tulog pa din yun.. Hayyy. Parang panaginip lang yung kagabi. Napangiti ako ng maalala ulit lahat. //o\\

“Hoy ano! Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin para sayo! Nagtrabaho kami sa ibang bansa para maiahon ka sa hirap! Kahit na minamaltrato na kami sa dayuhang bansa ay tiniis namin para lang maibigay sayo lahat! Para mapagaral ka sa magandang paaralan! Pero ano itong isusukli mo samin ha!? Sumagot ka, Annaliza!” sino si Annaliza?! Nasobrahan na ata sa kape ‘to si Cecille. (_-_)

Nilingon ko si Jm at nagulat ako ng makita kong teary-eyed siya.. “Ang kapal ng mukha mo Nicole!! Akin lang ang asawa koo!!!!”

Ohmygee! Nagsisimula na naman sila sa kabaliwan nila! Kabisado ko na ‘to, may ipanglalaban pa si Cecille sa linya ni Jm panigurado..Watta way to start my day!

Mabilis akong bumangon kahit na hindi pa naghihilamos, yung dalawa din naman e.. Tumakbo ako pababa ng hagdan, may nakasalubong akong kasambahay namin na akmang may sasabihin pero hindi na ako tumigil dahil alam kong tumatakbo na din sa likod ko si Jm at Cecille.

“Hoy Steffanya! Hindi pa kami tapos!” sigaw sakin ni Jm.

Be MineWhere stories live. Discover now