Chapter 22- Guarding you

1.2K 24 4
                                    

BRYAN’S POV

“Mr. Harris. Sa tingin nyo po ba ay maiuuwi ulit ng team nyo ang trophy?” tanong ng isang reporter.

Kainis. Sana hindi nalang sila nagpapasok ng media. Kabanas e. Taon-taon yan din naman ang tanong nila. Tss

“Hopefully. Ayoko naman po kasing magsalita ng tapos pero sana ay manalo ulit kami this year.” Humble ko pa ding sagot kahit naiirita na ako.

“E Mr. Harris, ano naman po ang masasabi nyo sa biglaang paglipat ni Clarence Seo sa school na pag-aari ng pamilya nyo?”

Ano namang pakealam ko sa hilaw na sushi na yun?! Grrr.

“Wala naman po akong nakikitang masama about that. Bukas naman po ang Harris sa kahit sinong estudyante na gustong pumasok dito.” pero syempre kung pinayagan lang ako ni Mama, matagal ko na sanang nasipa yang Koreanong hilaw na yun paalis sa Harris. =_=

Biglang nagsalita ang announcer na rinig sa buong convention: 5 MINUTES TO PREPARE AND WE’LL START THE CHEERING COMPETITION.

Magsisimula na ang competition, gusto kong mapanood ang cheering squad ng school namin para naman malaman ko kung worth it ba ang paghingi nila ng ilang araw na excuse letter para makapag practice =_=

Pero okay lang naman siguro na ma-late ako ng kaunti. Wala naman si Steffie doon kaya okay lang kahit hindi ko maumpisahan ang presentation nila..

Waiittttt..

Ano nga ulit yung sinabi ko!???

Hindi yun ang ibig ko sabihin.. Ang ibig kong sabihin ay.. Potek.. Oo na. Yun na nga. Psh.

“Mr. Harris, last na tanong po. Ano po ba talaga ang real score sa inyo ni Miss Chua? Totoo po ba na sya ang bago nyong dinadate? Paano na po ang girlfriend nyong si Miss Lim?”

Hayys. Eto na siguro yung tamang oras para ayusin ko to tulad ng sinabi ni Laine.. Ayoko na din namang mamroblema sya dahil baka atakihin nanaman sya ng asthma dahil sakin pati si Mama para hindi na sya mag-alala.

“I’m not dating Miss Chua. Magkakaibigan ang pamilya namin at nagkataon lang na nagkasama kami magdinner ng gabing yun. Kami pa din po ng girlfriend ko.. That’s all I can say.. Thankyou..”

Nagsimula na akong lumakad papuntang bench para hanapin ang teammates ko. At nakita ko nga silang kasama ang mga kaibigan ni Steffie.. Pero wala siya..

“Uyy, Harris! Kanina ka pa namin hinihintay. Magsisimula na.” sabi ni Matt. Lahat naman sila sakin ay nkipag-fist at umupo na ako malapit kela Alvin na katabi naman ang kaibigan ni Steffie na babaeng morena.

“Uyy, Bro. Okay na?” tanong ni Kevin.

“Yeah.. Problema neto?” pertaining to Alvin na madilim ang mukha at hindi namamansin..

Tumawa ng nakakaloko si Kevin tapos bumulong. “Nagseselos pare. Hahahahahaha”

Ano daw??? Ah ewan di ko magets. Minsan wala talagang kwenta kausap to si Kevin.. Teka.. Asan nga ba yung patpating babae na yun?

“Alam mo, parehas lang kayong naghahanapan.” Nabigla ako sa sinabi ni Kevin.

“H-Huh?” Gulo mo talaga dre. =_=

“Si Steff.. Hinahanap ka din niya kanina.”

Sa sinabi niyang yun parang may nagkarerahan na namang kabayo sa may dibdib ko.. Pakiramdam ko pa nga’y nagblush ako. Potek. Ang bading lang talaga. (--. )

Be MineWhere stories live. Discover now