Chapter 41- When it started

1K 20 3
                                    

HINDI KO ALAM KUNG BAKIT BIGLANG NAGING RESTRICTED YUNG STORY KO KAYA BAKA MAY ILANG CHAPTERS KAYONG HINDI MAKITA KUNG HINDI NYO AKO FINA'FOLLOW. SORRY TALAGA HINDI KO ALAM.. :'( AAYUSIN KO ASAP.

************************

Naglalakad ako sa school ground ng may biglang malagkit na tumapon sa ulunan ko.. kulay green ito at ang baho.. Tiningala ko ang mga lalaking naririnig kong nagtatawanan sa taas habang hawak pa ng isa ang timba.

“Yan ang bagay sayo nerd!”

“Akala mo kung sino mukhang manang naman!”

“Ang panget mo! Hindi ka nababagay dito.”

Gustong-gusto kong pagbabatuhin sila.. ng kahit ano. Kahit pa martilyo.. pero wala akong lakas ng loob. Ano nga ba ang magagawa ng isang babaeng grade 4 student laban sa anim na lalaki?

Tumakbo ako.. tumakbo ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa likod ng school building.. Dun ko na pinaalpas ang mga luhang kanina ko pa pinipigil na lumabas.

Bakit ba hindi pa ako nasasanay? Araw-araw na naman nilang ginagawa sakin ito.. ang pangbbully.. pero bakit hindi pa ako nasasanay?

Kilala ang pamilya ko.. makapangyarihan sila.. Pero may mga tao talaga na walang pakealam dito. Hindi ko alam kung kilala ba nila ako o hindi kaya nila nagagawa sakin ang mga bagay na ‘to. Pero kahit ilang beses ko na din gustong magsumbong sa parents ko, wala lang akong magawa.

Ayoko na tratuhin ako ng ibang tao dahil lang sa isa akong Chua.

Gusto ko ng totoong tao.. yung katulad ni Laine. Ang bestfriend ko.

Siguro ay dahil na rin sa may kaya rin ang pamilya nila kaya naisip kong hindi lang naman nya ako kinaibigan dahil lang sa pangalan ko.

Asan na kaya yung babaeng yun?

Pinunasan ko ang mga luha ko. Ang baho ko at sobrang lagkit ng pakiramdam ko.. Paano ako makakadaan sa corridor na hindi pagppyestahan ng mga tao? Ayoko na makarating kela Mommy na ganito ang nangyayari sakin sa school.

Hindi pa din ako makaisip ng paraan kung paano makakalabas ng bigla akong makarinig ng mga yabag papunta sa likod ng school.

Nataranta ako kaya yumuko nalang ako. Nakakahiya. “Sino yan??” malakas na sigaw ko para marinig ng tao na yun.

Baka si Laine lang at hinahanap ako.

Walang sumagot.. Nanginginig na ako dahil ang lakas ng hangin dito at basa ang buong damit ko. Kailangan ko makapunta sa locker para makapagpalit.

Nang bigla akong nakaramdam ng pagpawi sa nanunuot na lamig.. may jacket na nakapatong sa likod ko..

Tiningala ko ang tanong nagbigay nito at hindi ko mapigilan ang mapasinghap.

Ngayon lang ata ako nakakita ng kasing gwapo nya... syempre except kay Channing Tatum na since birth ata ay mahal ko na.

“Mukha kang palaka dyan na puro lumot, Miss. Magpalit ka na.” rude nyang sabi at umalis din siya..

Hindi ko alam kung bakit kahit mayabang ang pagkakasabi niya ay hindi ko magawang mainis.. siguro dahil na din sa jacket na ipinahiram nya.

Hinintay kong bumalik ang lahat sa klase.. kaya ng magbell na hudyat ng pagtatapos ng break time ay nagmadali akong pumunta ng CR.

Humarap ako sa salamin at hindi ko mapigil ang mapait na ngiti.

Panget. Nerd. Mataba. Ugly duckling. Witch.

Be MineWhere stories live. Discover now