Chapter 34- Suddenly

1.1K 21 9
                                    

For my beloved followers and voters. Sa lahat din ng patuloy nanagccomment. Para sa inyo po ang update na 'to. Sana magustuhan nyo. :)

Sa mga gusto po na magpadedicate, message me po. 

Love you all! Godbless. -Ainelabs

Be fearless when it comes to life, and careless when it comes to what people say and think about you.

***********************************

Pagkarating namin sa school ay biglang tumahimik ang kaninang nagkakagulo kong mga kaklase. Masyado naman silang pahalata. Psh. Inilibot ko ang mata ko..

Wala siya.

Wala ang taong inaasahan kong makita.

“S-Steff..” gulat na sabi ni Kevin na katabi naman si Alvin na nakanganga pa. Teka nga! Bakit ba parang ngayon lang ako pumasok sa buong buhay ko!? Ilang araw lang naman akong nawala parang nakalimutan na nilang dito din ako nagaaral.

“Hi, Kevin. Goodmorning.” bati ko sa kanya tsaka sumunod kela Cecille na nauna na sa upuan. Noong una ay nakaramdam din ako ng galit sa lahat ng naging kaibigan ko sa varsity, pero kalaunan ay naisip ko din na pwedeng wala din naman silang alam.

Na si Bryan at Laine lang naman talaga ang nagplano ng lahat upang saktan ako.

Hanggang ngayon masakit pa din. Peste.. Balak ko na talagang ipatanggal ang puso ko. Pwede ba yun? -_-

Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pasimpleng bulungan ng mga kaklase ko at yung mga panaka-nakang tingin nila sakin. Sigurado akong natatakot sila dahil alam nila kung anong kaya kong gawin.

Nung nakaraan lang ay madami na akong kaibigan.. Pero sa isang kasinungalingan lang natapos na ang lahat.

Naagaw ang atensyon ko ng pagpasok ng isang gwapong nilalang. Kaya pala puro sigawan na naman ang naririnig ko sa labas. Bakit nga ba hindi nalang ikaw?

“Goodmorning Lian.” sabay lapit at halik sakin sa pisngi tapos tinanguan niya sila Ryzza. “Goodmorning sainyo.”

Jm cross his arms. “Shet. Bakit ganun Fafa Rency? Kapag samin ‘goodmorning’ lang. Kapag kay Steff may halik pa sa pisngi! So unpeyrrrr!”

“Hahahaha. Ang sagwa naman tignan couz kung hahalikan ka din ni Rence!” sabay batok ni Cecille. Tsk tsk. Kahit kailan ay brutal talaga ‘tong babaeng to.

Si Ryzza naman kung makatawa akala mo wala ng bukas. Masyadong masaya ang babaeng ‘to. Anong meron? “Sige Ryzza! Magtatawa ka dyan! Ganda mo ha!” saway dito ni Jm pero hindi naman ito pinansin ni Ryzza.

“Told you Jm. Hindi ka bagay sa lalaki, sakin ka bagay.” Ryzza beamed after talking.

I gasp. “Wait! Am I missing something here?”

Jake and Cecille laughed when Jm didn’t do anything but scowl. “Ryzza told us last week that she wants to date Jm.” halos di na makahinga si Cecille kakatawa at nung sinabi din niya yun ay hindi na ako makahinga kakahalakhak, ngayon alam ko na kung bakit masyado silang masaya. Pagkatapos ng mga nangyari ay ngayon nalang ulit ako nakatawa ng ganito.

“Hahaha. Pfft... G-Grabe! W-wait! Seryoso ka ba dyan Ry? M-Mas babae pa yan sayo kung kumilos e!” shet. Grabe! Laptrip talaga to. Sa dinami daming gwapo sa Harris e bakit naman si Jm pa ang gusto niyang i-date!

Jm turned to me. “True sis! Ewan ko ba dyan sa betty na yan! Nasobrahan ata sa aral o baka naalog ang utak!”

Jake tapped Jm’s shoulder pero nagulat siya ng hawakan ni Jm ang kamay niya kaya mabilis nya din itong binawi. Nagtawanan na naman kami. “Marcelo, mabait at maganda naman si Ryzza e. Bakit ba ayaw mo sa kanya?” sabi ni Jake habang pinupunasan yung kamay niya. Haha!

Be MineWhere stories live. Discover now