Chapter 17- To the rescue

1.2K 23 5
                                    

SORRY PO SA MATAGAL NA UPDATE. TAG-HIRAP SI AUTHOR WALANG NET. HUHUHUHU </3

Sorry sa grammatical and spelling errors!

Vote and follow naman po. Maraming maraming maraming salamat! <3 Godbless everyone. Labsyuuuu.

Enjoy reading!

Nobody can change a person, but someone can be the reason for a person to change.

------------------------------------------------------------------------------------------

BRYAN’S POV

Wag kang magalala Harris. Kasi ngayong gabi, ang huling gabi na mamahalin ko ang isang tulad mo, I am throwing away all the feelings that I had for you sa loob ng tatlong taon.. Maging masaya sana kayo ni Laine. You both deserve to be happy.

Wag kang magalala Harris. Kasi ngayong gabi, ang huling gabi na mamahalin ko ang isang tulad mo, I am throwing away all the feelings that I had for you sa loob ng tatlong taon.. Maging masaya sana kayo ni Laine. You both deserve to be happy.

Wag kang magalala Harris. Kasi ngayong gabi, ang huling gabi na mamahalin ko ang isang tulad mo, I am throwing away all the feelings that I had for you sa loob ng tatlong taon.. Maging masaya sana kayo ni Laine. You both deserve to be happy.

Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang binitawan nya habang nakamasid sa kanyang naglalakad palayo.

Parang paulit-ulit din akong nasasaktan.

Huling gabi na mamahalin?? Throwing away all the feelings??

How could she do that? How can she love me in three years?

I can feel something foreign feeling in my chest. Para bang naninikip ang dibdib ko dahil sa nakikita kong naglalakad siya palayo sakin, knowing that she will leave for good...

“Ser, pinasundan po kayo ni Ma’am Laine. Pumasok na daw po kayo.” Rinig kong sabi ng isa sa mga kasambahay ni Laine sa likuran ko.

Gusto ko man pumasok at tignan kung okay na si Laine ay parang may kung ano sa puso at isipan ko na nagu-utos na sundan ko si Steffie.. Na para bang kapag hindi ko ginawa yun ay tuluyan ng mawawala ang isang tulad niya sa buhay ko.

E ano naman? Ano nga ba sya sa buhay ko? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

“Ser..” untag ulit sakin ng kasambahay.

At may pagtutol man sa kalooban ko, mabigat ang paa na humakbang ako pabalik sa bahay nila Laine.

Si Laine ang girlfriend ko.. Matagal ko na siyang minamahal diba??

Kailangan ko alalahanin yan paulit-ulit para hindi ako magsisi sa huli kapag nawala si Laine sa buhay ko.. Sana nga hindi ako magsisi.

Hinintay ko si Laine na makatulog bago umuwi, nangako ako sa kanya na lilinawin ko sa media kung ano ba talaga ang meron samin ni Steffie.. Na magkaibigan lang ang mga pamilya namin at bukod doon ay wala ng iba.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa school dahil sabi ng SC secretary ay madami na akong tambak na papeles sa office at kailangan ng pirmahan ang iba. Masyado na kaming busy lalo na at senior na kami.

“Mr. Harris, Miss Chua is here asking for your approval para sa maghapong practice ng squad.” Sabi ni Bernadette pagpasok sa office ko..

At eto nanaman ang puso ko na parang hindi mapakali...

Ano bang meron sa babaeng yun at pangalan niya palang nagwawala na ang puso ko? Peste hindi pwede to! Si Laine ang mahal ko..

I should ignore this creepy feeling habang maaga pa.

Be MineWhere stories live. Discover now