Chapter 21- Captain

1.1K 23 2
                                    

YES! I'M INLOVE.. :)

"People come in and out of your life. Only the real ones stay."

****************************************

STEFFIE’S POV

At dahil alam kong wala na akong choice ay eto ako at nagppractice na. Mabuti nalang at ako ang nagturo sa kanila kaya kabisado ko ang steps at blocking.

Kumikirot ang paa ko pero kinakaya ko naman. For our school.

“Ay teh! Pak na pak ang suot mo. Baka pwde akong sumali sa squad next time?” pangungulit ni Jm habang nagaayos ako ng mukha.

“Oo naman Jm. Magaling ka naman sumayaw e pati ikaw Cel, sali ka na.”

Tinaasan ako ng kilay ni Cecille. “Eh kung balian kita dyan? Alam mo namang takot ako sa heights e. Psh.”

“Hmp. Taray..”

“Ay Steffanya, ako jojoin ako! Basta gusto ko ganyan din ang suot ko ha?” sabay turo sa suot ko habang nagf-flash pa ang mga mata.

Ang suot kasi namin ngayon ay fit na longsleeve pero kita ang tiyan na kulay blue at may malaking HARRIS na nakasulat, typical cheerleader uniform, ang pangibaba naman ay palda-short na sobrang ikli.

“Parang awa mo na JM. Iniisip ko palang nandidiri na ako.” Sabi ni Cecille.

“Oo nga, Cel. Baka hindi pa nagsisimula ang sayaw paalisin na ng judges ang squad sa court kasi di nila maatim makita si Jm sa suot nya. Eeee. Hahahahaha.” Pangaasar ko na nagpabusangot lalo kay Jm.

“Hmppp. Matawagan nga sila Tita at masabing sasayaw ka na ulit kahit kakaalis palang ng cast sa paa mo.” Akmang kukunin nya na ang cellphone nya kaya pinigilan ko sya.

“To naman! Hindi ka na mabiro! Ipagagawa na kita bukas na bukas din! Welcome to the team!”

Nanlaki ang mga mata sabay paypay sa mukha nya. “OHMEEGASH! Ohmeegash! I’m so gonna cry na! Thankyou Sis.” At yumakap pa sakin. Sira talaga to. Hahaha.

“Sht.” Narinig naming sabi ni Cecille kaya napatigil si Jm sa pagddrama. “Ang gwapoooooo.” Kinikilig na sabi nito.. Agad namang tumingin kami sa tinitignan nya.

“Asan couz? Saan???”

“Ayun oh!” tinuro ni Cecille ang isang lalaking nakatayo sa mga registration area at naka-jacket na blue.

“Hindi ko makita. Hmp. Ayaw humarap!” pagmamaktol ni JM.

“Lika! Lapitan natin. Biliisss.” Yaya ko sa kanila. Hahaha. Malakas ang loob ko sa mga ganito no!

Kinalabit ko yung lalaki kaya humarap ito. “Ahmmm.. Hi.. I’m—“

“Miss Chua..” sabay lahad ng kamay. “I’m Luke Tan.”

Be MineWhere stories live. Discover now