Chapter 10

467K 17.3K 16.9K
                                    

Chapter 10

Possessive

Hanggang makarating ako sa sariling kwarto ay nanatili akong tulala. Tama ba ang aking mga narinig? Totoo ba 'yun o guniguni ko lamang ang lahat?

Akin siya at ako'y kanya? Kalokohan!

He must be really kidding. Or more so, he wasn't himself. Imposibleng may gusto sa akin ang Commander para sabihin iyon. Baka iba ang meaning. Baka ang ibig sabihin ay kanya ako dahil servant niya ako?

I shook my head.

"Hay nako, gawin mo na lang ang assignment mo, Paige." sabi ko sa aking sarili at saka nagbuklat na ng libro.

-

Ngayong araw, may activity kami kung saan kailangan naming mag-observe ng isang lugar dito sa school. Tapos ay isusulat ang lahat ng observations sa yellow pad paper.

Napili kong pumunta sa library. Ako lang dahil ang gymnasium ang naisip ni Lia na i-observe.

Pagdating sa library ay pumwesto ako roon sa hindi masyadong matao. Inilabas ko ang libro pati na rin ang pad paper at pinatong ko sa lamesa.

Bago pa ako makaupo ay tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha.

"Hi," bati niya.

Tuluyan na akong naupo. "Ano ang kailangan mo, Lancer?"

"Wala akong kailangan. Grabe ka naman. I just want to be friends with you." aniya.

Naningkit ang aking mga mata. "Bakit naman?"

"Dapat ba may rason?"

Huminga ako ng malalim. "Naikwento ka sa akin ni Lia. You're a playboy here, Lancer. Kaya wala kang mapapala sa akin. Kung ano man ang habol mo, hindi mo iyon makukuha. Kahit Aeris ako at Terra ka, hindi mo pa rin ako mabobola. Iba na lang."

Tumawa siya at umarteng sumasakit ang puso.

"Ouch! Judgemental ka naman. Gusto ko lang maging magkaibigan tayo, eh. Masama bang maging curious sa'yo?"

Kumunot ang aking noo. And why the hell this man right here is curious about me?

Mabilis kong inilikpit ang mga gamit ko pabalik sa bag. Hindi ko magagawa ang activity kung ganito.

Agad akong nakatayo. Dalawang hakbang pa lang at nahawakan na ni Lancer ang braso ko upang mapigilan sa pag-alis.

"Dikit sa'yo ang dalawang pinaka makapangyarihang Flamma. Is that nothing to be curious about?"

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa sinabi ni Lancer. Ni hindi ako nakaharap sa kanya.

"Bitawan mo, Lancer." umalingawngaw ang matapang na boses ni Kuya Beau sa aming harapan.

Agad naman akong binitawan ni Lancer.

"See," ani Lancer pero mahina lang iyon. Sapat para ako lang ang makarinig.

"Are you harassing Paige?" naningkit ang mga mata ni Kuya.

"I'm not harassing her. I just want to be friends." giit naman ni Lancer.

"But she doesn't want to be friends with you," ani Kuya.

Natawa si Lancer. Magsasalita na sana siya nang isang malaking lalaki naman ang lumitaw sa aking gilid. Kairon, standing in his towering height and massive built, screams so much authority.

Nanatili akong tahimik at hindi makapagsalita.

"Anong ginagawa n'yong dalawa?" tanong niya kay Kuya Beau at kay Lancer. He sounded like he's really not in the mood for the two of them. He sounds pissed.

Garnet Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon