Chapter 38: Highlight

55.7K 943 89
                                    

Chapter 38: Highlight

Mahal ko siya.

Hindi ba dapat masarap ang pakiramdam kapag nagmamahal? Bakit ganito? Parang pinipiga yung puso ko? Parang nawawala yung hangin sa baga ko?

Dati iniisip ko, sa ganitong edad ko, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal. Hanggang ngayon naman siguro hindi ko pa din alam kung ano ‘yon pero kung hindi mo matatawag na pagmamahal ang nararamdaman ko, eh ano ito?

Naka-glue ata yung paa ko sa sahig kasi kahit anong pilit kong gumalaw, hindi ako makaalis. Pinagtitinginan na din ako. Buti na lang may pumunta sa harap ko at hinarangan silang lahat.

“Shh, iiyak mo lang ‘yan. Nandito lang ako,” inilagay niya yung ulo ko sa balikat niya. Ganoon lang kami hanggang sa tumahan na ako.

“Salamat.” Nakabaon pa ang mukha ko sa damit niya. Saka ko lang naalala na naka-makeup pala ako. Bigla ko tuloy tinaas yung ulo ko. “Shit, sorry!”

“Ano? Wala namang mantsa eh. Waterproof ata ‘yang makeup mo,” pabiro niyang sinabi.

“Ikaw ha, mukhang madami kang alam sa cosmetics.” Katulad ng lagi kong ginagawa, dinadaan ko na lang muna sa biro ang mga bagay-bagay kapag may problema ako. Pero Dan Gab will have none of it.

“Gusto mo upakan ko na?”

“Alam mo namang walang mararating ‘yon.”

“Oh, ano ang gagawin ko?”

“Wala. Hayaan na lang muna natin.”

“Okay, sabi mo eh.”

Inobserbahan ko siya. Tinanong ko na ‘to sa sarili ko dati pero, bakit kaya hindi na lang ako nahulog sa kanya? “Alam mo bang napakamartir mo? Kung ako lalaki, hindi ako maghahabol sa akin.”

Nagkibit-balikat siya. “Pinanganak ata akong masochist. Tsaka sabi ko na din naman di ba? Okay na ako kahit sa friendship mo.”

“Hindi ba kulang ‘yon? Hindi kita kayang mahalin in a romantic way kapag gano’n.”

“Masokista ako,” inulit niya. “Basta mahal mo ako, kahit bilang kaibigan lang masaya na ako. At least kahit papaano mahal mo pa din ako, hindi ba?”

Tumango na lang ako. Hindi ko na din kasi alam ang isasagot ko sa kanya. Nahihiya na din ako dahil pagkatapos ng lahat ng ginawa ko kay Dan Gab, bumabalik pa din siya. Kahit alam niyang wala akong maibibigay sa kanya.

Natapos ang prom mga ilang minuto pagkatapos ng alas dose. Medyo madami pa ding tao sa ballroom kaya nahirapan pa akong hanapin si Inna na kasabay kong umuwi. Na-spot-an ko siya malapit sa stage kasama niya si Angelo. Nakatalikod siya sa lalaki tapos hawak niya yung buhok niya. Nakita kong nagrereflect yung sinusuot na kwintas ni Angelo sa leeg ni Inna. Kung hindi ko naagapan ang sarili ko, titili talaga ako sa sobrang kilig sa nakita ko.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon