Chapter 13: Injury

75.4K 1K 151
                                    

Chapter 13: Injury

Sa parte ko, umayos na din naman ang lahat. Oo, nahirapan akong mag-adjust. Paano ba naman kasi, bawat gawin ko, naalala ko si Lola. Kapag nakain ako, iisipin ko, Sigurado, mas masarap yung luto ng Lola ko. Kapag may narinig akong joke, Matutuwa si Lola kapag narinig niya ito. Kapag nanonood ako ng Pinoy Henyo, Mumurahin ng mumurahin ni Lola yang mga contestant dahil simple lang yung sagot, 'di pa mukuha.

Sa bahay, back to normal na ang lahat. At least, yung kaya naming gawing normal.

Sa school, ayos na din naman ang lahat. Nakikipagbiruan na uli ako kay Dan Gab kahit noong umpisa ay parang nagdadahan-dahan pa siya kapag kinakausap ako. Naaasar pa din ako kay Venny, wala namang nagbago. At si King...

Kinuwento ko kay Inna yung ginawa ni King noong uwian na hinila niya ako papuntang Jollibee pero hindi ko kinuwento yung nangyari sa sementeryo. Pakiramdam ko kasi si King lang ang may karapatan doon sa kwento na iyon kaya iniwan ko na lang. Alam ko sa tingin sa akin ni Inna na alam niyang kulang ang impormasyong binigay ko sa kanya pero tinanggap na lang niya iyon.

"Ano na ngayon?" tanong niya.

"Anong ano na?"

"Clueless ka talaga."

"Clueless saan?" nagtataka kong tanong.

"Basta. Mafi-figure out mo din kung ano iyon."

September na. Ang bilis talaga ng panahon. At dahil September na, atat na ang buong school sa upcoming event na laging dinaraos sa school sa buwan na ito. Oras na para itago ang mga libro at ballpen, ipahinga ang utak, at ilabas ang mga bola. Intramurals.

At dahil ako ang pinaka-sporty sa buong klase, na-assign ako na mag-cheer sa bleachers.

"Taon-taon na lang! Hindi ba pwedeng ako naman yung sumali sa laro? Nakakaasar naman," reklamo ko kay Inna habang nabili kami ng plastic bottles sa junk shop.

"Eh saan ka naman sasali? Kapag maghahagis ka ng bola, laging sumasala sa ring o kaya sa net. Napaka-clumsy mo pa. Mabilis ka ngang tumakbo, mabilis ka ding madapa."

"Dahil lang yun sa sapatos."

"Sus, halika na. Male-late na tayo."

Ang dami naming dalang black bag na puno ng plastic bottles ni Inna. Props iyon para sa cheering. Basketball kasi ang unang game ng klase namin. Doon naman lagi nagko-concentrate ang lahat bukod sa volleyball eh. Isa pa, last year na namin ito. Better make the best out of it.

Pagpasok pa lang ng gate, sinalubong na kami ni Dan Gab.

"Sofia, tulungan na kita."

"Ha? 'Wag na. Yung kay Inna na lang buhatin mo, mas kailangan niya ng tulong mo, " sabi ko sabay ngiti kay Inna. Skinny kasi siya kaya minsan aakalain mong hindi siya nakain.

"Inna, akin na 'yan," kinuha ni Dan Gab yung black bag na bitibit ni Inna. Tapos hinawakan niya yung kamay ko na may bitbit nung black bag. "Sofia, bitawan mo na iyan." Makikipag-away pa sana ako kay Dan Gab kaso lang may narinig akong tuksuhan mula sa likod ko.

"Naks, totoo pala yung balita, Dan. Pinopormahan mo nga si Sofia," tukso ni Aldrin.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin, natulungan ka sana," sabi naman ni Josh.

"Gusto niyo ng sapak?" hamon ko.

"Chill ka lang, Sofia. Hindi ka mabiro eh. Alam mo namang ako ang unang manliligaw. Aawayin ko kung sino magtatangka sa mga 'to," pabirong sabi ni Dominic.

Napangiti na lang ako sa kanila. Yung mga classmate ko talagang lalaki (at tropa na rin ni Dan Gab) kahit anong tukso nila sa akin, hindi ako mapipikon sa kanila. Sa tagal ba naman ng samahan namin, simula grade one ata magkaka-classmate na kami, hindi ko pa sila ituring na kapatid.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon